Chapter 50: The Legend's Lost Sword(Pt 1)

270 4 0
                                    


Author's Note:

Few more chapters to go at malapit na magtatapos ang librong ito. And this is one of the must read chapters. May malalaman na kaya tayong rebelasyon sa kabanatang ito? Malalaman na natin niya sa pagpapatuloy ng kwento.

~MysticBlackAsuna💙

====================

---Kazuki---

Mag-isa akong naglalakad sa isang templo papunta sa aking destinasyon. Sa isang templong may kulay black violet na pasilyo. Gawa ito sa marmol na hinaluan ng obsidian. At may mga sulo sa bawat dingding na may kulay lilang mga apoy. Napakatahimik ng daanan patungon sa isang silid na kung saan nakatago ang isa sa mga hinahanap kong kayamanan.

Sa aking paghakbang papuntang sa silid ay bigla na lang nagpakita ang mga halimaw sa aking harapan. Nasa lima ang kanilang bilang at nasa level 6 lang naman ang mga 'yan. Sila ay mistulang mga bantay papunta sa silid. Kung tutuosin ang dali lang nilang labanan. Parang mga bowling pin lang kailangan patumbahin.

Agad kong binunot ang aking espada at sinugod ang limang halimaw. Sumugod sila papunta sa aking direksyon na singbilis ng isang tigre at umatake gamit ang kanilang mga sibat. Bago pa man nila pinosisyon ang kanilang armas ay agad ko nang pinutol ang kamay ng isa sa kanilang angkan at agad ko siyang tinamaan sa dibdib sa isang wasiwas lang ng espada ko at naging crystal debris na ang unang halimaw.

Sumunod naman ang pangalawa ngunit parehong proseso pa rin ang ginawa ko. Sa pagkakataong ito ay sinira ko ang kanilang mga armas ay sabay-sabay ko silang ginamitan ng double slash combo. At sa magandang resulta natalo ko na sila agad. Wala na ang mga bantay. Oras na para pumasok ako sa silid.

Ilang hakbang ang tinahak ko at sa wakas nakarating na ako sa pintuan ng sinasabing silid. Ang silid na kung saan nakatago ang isa sa mga memory fragment.

Idinampi ko ang aking kamay sa pinto nang bigla kong naramdaman ang isang nakapangingilabot na karanasan. Isang boses ang tumatawag sa 'kin na nagmumula sa isang silid. Ang boses na sobrang lamig kung pakinggan na pinaghalong kaba.

Kiruna... Black Light Warrior...

At paulit-ulit itong tumatawag sa 'kin sa loob ng silid. Tila kinakabahan ako ng konti na baka kasi isa yung patibong. Pero mas pinili ko pa ring maglakas-loob na pasukin ang silid na ito.

Itinulak ko ang pinto papasok na medyo may kabigatan sa tuwing tinutulak ito. Hanggang sa masilayan ko na nga ang laman ng silid. Pumasok agad ako at inihanda ang aking armas na baka sakaling may halimaw ang aatake sa loob. Habang naglalakad ako ay tumambad sa akin ang isang bagay na nakatusok sa ibabaw ng obsidian block. Isang espadang kulay silver snow at may mga ukit pa ng mga crystal fragment sa may hawakan pababa sa blade. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang isa sa mga hinahanap ko, ang memory fragment.

Lumapit ako sa pwesto ng bagay na hinahanap ko nang bigla kong makarinig ng isang boses na puno ng poot at galit sa kanyang kalooban. Kumbaga, uhaw siya sa paghihiganti. Naririnig ko ang pagbunot niya sa kanyang espada at bigla na lang siyang sumigaw.

"Kiruna! Ang dapat sayo ay mabura na sa dalawang mundong kinagisnan mo!", sabi ng boses.

Agad akong lumingon sa likod at tumambad sa akin ang isang player na nakasuot ng dark violet na coat. Nakahood siya at natakpan ang kanyang mukha. Ngunit nakikita ko ang kanyang mapaghiganti at walang awang ngiti na tila may binabalak sa akin na masama.

Sa aking paglingon ay agad niya akong sinunggaban at tinutukan ng espada sa leeg. Kasabay din nun ang kanyang pagtawa na tila uhaw na uhaw sa galit at paghihiganti. Hindi rin ako makagalaw sa aking sitwasyon at nabitawan ko pa ang aking espada.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Where stories live. Discover now