Chapter 2:7 Years Later

4.6K 145 97
                                    


---Third Person's POV---

Apat na araw ang lumipas, nakalabas na nga ang batang babae sa ospital. Together with her foster parents, Mr. Carlos Kirugawa and Mrs. Melisa Kirugawa. Isinama nila ang batang babae na kamakailan lang ay kinupkop nila sa kanilang tahanan sa Kita-Kyushu na matatagpuan sa Tokyo.

Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na nga sila sa bahay na kung saan nakatira ang mag-asawa. Isang bahay na may disenyong modern-Japanese style. May kalakihan rin ang bahay. Malaki ang espasyo ng bakuran at may makikitang dojo sa likod. Hindi akalain ng batang babae na napunta siya sa mga taong pupuno sa mga pagkukulang niya. Kahit hindi man nila kayang ibalik ang kaniyang alaala, handa naman silang gumawa ng mga panibagong alaala para sa kaniya. Ang hirap kaya ng buhay na may amnesia.

Pagpasok nila sa bahay, bumungad sa kaniya ang payapa at masayang tahanan ng mag-asawa.

"Maligayang pagdating sa iyong bagong tahanan. Mula ngayon dito ka na titira kasama namin," bati ni Melisa sa batang babae.

"Dito na po talaga ako titira Kirugawa-san?", tanong niya sa mag-asawa. Kitang-kita sa kaniyang mga matang kasingkulay ng langit sa gabi ang pakiramdam na naninibago pa lang siya. Pero bakas pa rin sa kaniyang puso ang mga alaalang nawala nang dahil sa hindi pa natutukoy na trahedya.

" Wag mo na kaming tawaging Kirugawa-san. Mula ngayon, mama Mel at papa Carl na lang ang tawag mo sa amin." Sabi ni Carlos na bakas pa rin sa kaniya ang mga ngiti ang kagalakan na magkaroon ng anak kahit hindi man nila kadugo ang bata.

"Papa Carl... Mama Mel... Gusto ko po yun." Sagot naman ng batang babae habang inaayos ang kaniyang itim na buhok na hanggang balikat rin ang haba.

Pagkatapos ay ipinakita nila sa kaniya ang magiging kwarto niya sa pangalawang palapag ng bahay. Pagbukas ng pinto, bumungad sa mga mata ng bata ang isang simple pero magandang kwarto na naaayon rin sa mga hilig niya. Pinaghalong black, white, grey at sky blue ang kulay ng mga dingding ng kwarto. May nakalagay doon na isang computer unit, isang malaking kama na may kulay puting unan at grey na kumot. Sa gilid ay may malaking kabinet na kung saan ay panlagyan ng kaniyang mga gamit. May kulay sky blue na study table rin sa gilid ng computer unit at aircon. At may ilaw rin syempre sa kwarto na nakakabit sa kisame. At bintana na may nakalagay na kulay grey na kurtina. Sobrang saya ng batang babae nang makita niya ito. Bakas sa kaniyang mga mukha ang kagalakan sa buhay niya kahit may nakatagong kalungkutan sa puso niya.

"Nagustuhan mo ba? Kami ang nagdisenyo dyan." Wika ng masayang Melisa.

"Opo Mama Mel. Maraming salamat po!", sagot naman ng batang babae.

" Masaya kami para sayo. Kung may kailangan ka tawagan mo lang kami ha. Gagawa muna kami ng meryenda para sayo," sabi ni Carlos.

"O sige po," nakangiti niyang sabi.

Iniwan muna nila ang batang babae sa kwarto. Samantala, lumapit ang bata sa kama at humiga siya. Habang nakatingin sa kisame, napakarami pa ring mga katanungan ang bumabagabag sa isipan niya. Ito mismo ang ilan sa mga pangunahing katanungan niya.

Sino ba talaga ako? Saan ba ako nagmula? Nag-iisa na lang ba ako sa buhay?

At agad niyang ipinikit ang kaniyang mga mata.

*_7 years later...

------Kazuki-----

*riiiiiiinnnggg!!!*

Grabe nakakabingi naman ang ingay ng alarm clock. Magpatulog ka muna ng 5 minutes pwede. Sa sobrang ingay, agad kong pinatay ang alarm clock at bumangon. I stretch my arms and yawn.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon