Chapter 48: She's A Weirdo

259 10 0
                                    

Dedicated to: clumsycat

---Kazuki---

Kazuki-senpai...

"Ishigawa?! Ikaw ba yan?!" Nagulat ako nang malaman ko kung sino ang player na tinulungan ko kamakailan lang. Baka! Paano niya nalaman na ako at si Kiruna ay iisa? Anak ng---

'Wag mong sabihing iniistalk mo ako kahit saan ako magpunta at pati na rin sa social media. Nakakatakot naman ang babaeng ito.

Agad na lumapit sa akin si Ishigawa Sonoko, also known as Dailli sa aking kinatatayuan at bigla na lang akong sinunggaban kaya kami natumba.

"Whaaaa!!! Senpai ikaw nga talaga yan! Ang galing mo senpai! Iniligtas mo ako sa halimaw na iyon! Anong sword skill ba ang ginamit mo kanina? How to be you po? Kazuki-senpaaaaiii!!" Exagge na sabi ni Dailli.

Jusko! Parang nasasakal na ako sa ginagawa niya! Kailangan ko ng hangin! Sariwang hangin! Sino ba naman ang hindi makakahinga kapag dinadaganan ka ng isang weird na player? At isa pa, ang higpit ng pagkakayakap niya. Baka masira pa ang angas ko sa ginagawa niya.

"Dailli pwede ba akong humingi ng pabor?" I said while I'm grasping my breath.

"Ano yun senpai?" Energetic niyang sabi.

"P-Pwede muna ba tayong tumayo at kumalas ka muna sa pagkakayakap? Nawawalan na ako ng hangin sa ginagawa mo eh."

Agad na tumingin si Dailli sa aking sitwasyon at agad siyang tumayo. Teka, tulungan mo naman akong makatayo bata ka!

"Naku! Sumimasen senpai." Yumuko siya sa aking harapan tanda ng paghingi niya ng tawad. Habang ako naman ay nahihirapan sa pagbangon dahil sa kabigatan niya. Agad akong tinulungan ni Shiro-kun na makabangon at pinagpag ang aking damit.

"Ayos ka lang Kiruna-chan?" Ayan tuloy nagiging concern tuloy si Shiro-kun.

"Oo ayos na ako Shiro-kun. Salamat sa pagtulong sa 'kin sa pagtayo." Nakangiti kong sabi.

"Walang anuman iyon Kiruna-chan." Sagot naman niya.

Habang nakatingin kami sa isa't isa, bigla na lang tumili si Dailli at sinabayan pa niya ng pagtalon. Matanong ko lang huh, nakainom na ba siya ng gamot pang-maintenance niya? O napasukan ng bug ang utak niya?

"Whaaa!!! Siya ba yung boyfriend mo senpai? Alam mo bagay kayong dalawa at isa pa nakakakilig kayo! Sana lahat! Suportado ako sa relasyon niyong dalawa!"

Ano bang pinagsasabi ng babaeng ito? At anong boyfriend na sinasabi niya?! Anak ng... Takas yata ang babaeng ito sa mental.

Nakapokerface kaming lahat sa reaksyon niya. Kung ano-ano na lang kasi ang pinagsasabi. At sa totoo lang, pwede ko na ba siyang gamitan ng Stardust Aureole para matanggal ko na ang lahat ng bug sa utak niya? Nakakainis na siya.

Habang nagsasalita siya, bigla na lang nag-anyong pixie sila Riku at Lia at umupo sa aming mga balikat. Agad na may sinabi silang dalawa sa amin.

"Alam mo Ate Kiruna nakakainis na siya. Para siyang alien na naligaw sa mundo ng Virtual World." Mahinang sabi ni Riku with matching sarcasm.

"Sinabi mo pa Kuya Riku. Hindi lang siya basta-basta alien na naligaw sa virtual reality world. Kundi isa siyang player na takas sa mental hospital." Lia said sarcastically and then she crossed her arms.

Habang nakatingin ako sa kaniya habang nagsasalita, bigla na lang ako nagpalit ang mood ko. Mula sa pagiging pokerfaced sword player, naging sarcastic cold player tuloy. Hindi ko na kasi matiis ang mga pinagsasabi niya. Ang ingay niya para siyang machine gun na putak nang putak. It's ok to have a fan. Pero ang gaya niya, iintindihin mo na lang ang kahyperan niya. Ganyan naman yung mga kaibigan ko eh.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Where stories live. Discover now