Chapter 38:Little Brother

332 13 0
                                    

---Kazuki---

H?? I-I-Ikaw ba talaga yan?

Isang Vandere na matagal na akong minamatyagan simula pa noong pumasok ako sa FGO. At...

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Si H.

At...

Ang kapatid ko? Sandali. Si Miko lang naman ang kapatid ko. Kahit hindi ko siya kadugo itinuring ko siyang tunay na kapatid.

Pero...

Si H... Siya ba yung tunay kong kapatid?

Sa ngayon nakatayo na ako. At seryosong tinititigan si H. Meron siyang spiky dark blue hairstyle. Medyo may pagkahawig sa hairstyle ni Kito. Pero may pagkashaggy ng konti. May kulay asul na mata. Obviously nakablue siya. Vandere nga diba? At isa siyang sword wielder. One handed.

Speaking of ...

Yung sinabi niya kanina.

"Long time no see ate..."

Ate? Seriously? I-Ikaw ba talaga yan?

"H? Ikaw ba talaga yan?"

"Oo ate. Ako nga si H."

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko. Si H... Ang sinasabing ...

Kapatid?

"Pwede bang mamaya na yan may kakalabanin pa tayong boss dito!", sigaw ni Shiro-kun.

Oo nga pala nakalimutan ko tuloy!

" Marami pa akong mga katanungan mamaya. Sa ngayon labanan na muna natin ang boss na yan."

Bigla na lang akong pinigilan ni H.

"Ate sandali. Wag ka munang padalos-dalos. Konti na lang at matatalo na kayo. At isa pa malapit na maging pula yung HP mo. Kailangan ko munang gawin ito.", ang sabi ni H.

" Ano ba yun?"

Nakaposisyon na nga siya para gawin ang incantation.

Sandali. Wag mong sabihing...

Gagawin mo iyong healing magic?

Sinambit na nga niya ang healing incantation at agad na lang tumaas ang aming HP. Pagkatapos, nakahanda na nga kami sa pag atake.

May biglang sinabi si H bago pa naming talunin ang boss. At yun ang dahilan kung bakit agad ako napangiti na parang may mangyayaring kakaiba sa gitna ng labanan.

"Ate. Nakikita mo ba yung kulay pulang dyamante sa puso ng kalaban?", sabay turo niya.

Agad naman akong napatingin sa itinuro niya. Isang dyamante na may hugis hexagon na nakapwesto sa puso ng kalaban.

" Yun bang nasa dibdib ng boss? ", turo ko sa sinasabi niyang weak point.

" Yun nga mismo ate. Kailangan mong atakihin ang parteng iyon. Kami na ang bahalang mangdistorbo sa boss. Habang ikaw naman ay papalapit sa weak point niya. Kuha mo ba yung plano?", sabi ni H habang binunot niya ang kaniyang espada.

"Copy H."

"Shiro, kailangan nating tulungan si ate. Gawin natin ang switch technique para makaabot kayo sa weak point ng boss."

Teka. Pati so Shiro-kun? Kilala niya? At yung switch technique sa tatlong players? Paano? Ayan tuloy ang dami ko nang mga katanungan tungkol sa kaniya. At sa mga pinagsasabi niya, parang ang weird.

Pagkatapos nun ay ginawa na namin yung plano.

Sina Kito at H ang nagsisilbing distractors ng kalaban. Habang kami naman ni Shiro-kun ang palihim na susugod sa weak point ng kalaban. Susunod si H pagkatapos.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Where stories live. Discover now