Chapter 1:Lost Memories

5.7K 179 92
                                    

----Kazuki----

Nasaan ba ako? Anong lugar 'to?

Nagising na lang ako sa isang kwarto na may mga aparato sa gilid. May bintana sa bandang kanan. May maliit ding drawer sa kaliwa ng white bed kung saan nandoon nakalagay ang mga magagandang bulaklak at... Ako lang ang mag-isa sa lugar na'to.

Hindi kaya...

Nasa ospital ba ako?

Bumangon na ako sa kama ng ospital. Aray! Ang sakit ng ulo ko.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa'kin. Hindi ko kilala kung sino ako. O sino ang pamilya ko. Ulila na ba ako?

Habang nakatingin ako sa bintana, biglang may pumasok sa kwarto ko ng ospital. Isang nurse na may kasamang batang tulad ko. Siguro nasa 9 years ang edad namin.

"Good morning little girl.",bati ng nurse sa'kin.

"Good morning po."

Napatingin nga ako sa isang batang kasama niya. Isang batang babae. Meron siyang kulay brown na buhok na hanggang balikat ang taas. Nakasuot siya ng asul na bestida. At kulay brown din yung mga mata niya. Sino kaya siya?

"Syanga pala, siya ang bisita mo. Si Izumi Ashida."

I-zu-mi?

Ang pangalan niya ay Izumi? Ang ganda naman ng pangalan niya.

Agad siyang bumati sa'kin.

"Hello." Pagbati ni Izumi.

"Hi" sagot ko.

"Ano bang pangalan mo?"

Ang pangalan ko....

"P-panga-l-lan? Ako si... K-K-Ka.... Hindi ko alam kung sino ako."

"Alam ko na. Bibigyan na lang kita ng pangalan." Wika ni Izumi na may kasamang ngiti.

Nag-isip nga siya ng ilang sandali. Hanggang sa may naisip na rin siyang ipapangalan sa'kin.

"Kazuki. Mula ngayon, Kazuki na ang pangalan mo. At alam mo ba, yan sana ang ipapangalan ko sa kapatid ko pero wala na siya."

"Pasensya na." Ang sabi ko sa kanya.

"Bakit ka naman hihingi ng pasensya? Ang mahalaga nga binigyan kita ng pangalan eh," sagot niya. Sa bagay may punto naman siya.

"Kazuki.... O sige. Gusto ko ang pangalan na yan."

Pagkatapos nun ay meron siyang binitawang katanungan.

"Saan ka ba nakatira? May pamilya ka ba?"

"I....Wakarimasen.(I don't Know.)"

Hindi ko talaga maalala kung ano ang nangyari sa'kin. Even my past. I don't know everything. Ang huli kong naalala lang ay may isang mamang tumulong sa'kin sa dalampasigan. At dinala ako dito sa ospital.

"Sabi ng isang lalakeng nakakita sa kanya, nakita na lang daw siya sa dalampasigan ng isang beach resort na umiiyak at nanghihina. Nang mawalan siya ng malay, tinulungan niya si Kazuki at inihatid dito sa ospital. Di pa rin tukoy kung anong klaseng trahedya yung kinahinatnan niya," sagot ng nurse kay Izumi.

"Ganon po ba? Nakakalungkot naman. Nasaan po ba yung pamilya niya?", tanong ulit ni Izumi.

"Hindi namin alam. Konti lang ang alam namin sa kanya. Edad niya at ano ang paborito niyang kulay. Sa ngayon, hinahanap pa namin ang mga impormasyon tungkol sa kanya. At halos 2 days siyang hindi nagising. Ngayon lang."

Oo. Tama ang nurse. Edad lang at kulay ang naalala ko. Parang black yung paborito kong kulay. At sandali. 2 days na pala akong nakatulog?

[A/N:Ako din! Mahilig din sa black.❤]

Agad naman siyang lumingon sa'kin na bukas pa rin ang kaniyang mga ngiti sa mukha.

"Kazuki."

"Bakit Izumi?"

"Kung puwede lang... Puwede ba kita maging kaibigan?", sabi niya na medyo nahihiya ng konti.

"K-Kaibigan?"

"Oo." Sabay ngiti niya sa'kin.

Ngumiti din ako sa kanya at sabay sabing, "Oo naman. Pwedeng-pwede."

"Mabuti naman at ngumiti ka na. Ang cute mo kasi," biro niya.

"Ikaw talaga oh." Sabi ko na parang di naniniwala sa mga sinabi niya.

"Totoo yun. Tomodachi(Friend)?"

Inabot niya ang kamay niya para makipag-shake hands sa'kin. At ganon din ako.

"Oo. Tomodachi."

At sa araw na iyon, nakilala ko ang isang kaibigan. Ang kaibigang umalalay sa'kin habang wala pa akong maaalala. Sa nakikita ko, ang bait niya. Hinding-hindi niya ako iniiwan kahit matulog pa siya nun sa ospital. At isa pa, nagtataka ako kung paano niya nalaman na nandito ako sa ospital.

2 months later, there are 2 strangers who approached me in the hospital. Kinausap nila ako sa mga oras na iyon. Kasama ko rin si Izumi. At ang nurse. Pati na rin yung isang babae na parang galing sa ampunan. Teka?Magkakaroon na ba ako ng tahanan?

"Hello Kazuki. Ito nga pala sila Mr. and Mrs. Kirugawa. Gusto ka nilang kupkupin."

Tama ba yung narinig ko? Magkakaroon na ba ako ng mga magulang?

"T-Totoo po ba yan?"

Agad namang sinagot ito ng babae.

"Oo. Matagal na rin naming gustong magkaroon ng anak. Kaya ikaw ang napili namin." Wika ni Mrs. Kirugawa. Siya ay nakasuot ng gray na damit na sinapawan ng black na blazer. Itim ang buhok niya na abot hanggang balikat. Sa tingin ko nasa 32 yung edad niya. Pero maganda pa rin.

"Balita namin kasi, wala ka raw maalalang kahit ano. At wala pang nagkupkop sayo sa loob ng dalawang buwan." Dagdag naman ni Mr. Kirugawa. Siya naman ay nakasuot ng white polo and black pants. Nakasuot rin siya ng salamin at may kulay brown siyang buhok na naka- 2 by 3 ang haircut. Mas matangkad ng konti sa asawa niya at mas matanda ng 2 years. At ganon pa rin gwapo.

"Oo. At siya na ang magkupkop sayo Kazuki," sagot ng babaeng taga ampunan.

"T-Talaga po?"

"Oo. Simula ngayon, kami na ang mama at papa mo." Sabi ni Mrs. Kirugawa.

"Yehey! May pamilya na si Kazuki!", sabi ng masiglang Izumi. "Hindi ka na rin mag-iisa simula ngayon." Dagdag niya.

"Salamat po. May mama at papa na ako!"

At sa araw na iyon, nakilala ko ang mga taong nag-alaga sa'kin simula nun. Naging masaya ako nang makasama ko sila. Kahit hindi ko maalala ang nakaraan ko, may mga bago naman akong alaalang mabubuo kasama sila Izumi at ang mga nagsilbing mama at papa ko.

------------

Author's Note

Hi guys! May ginawa lang po akong konting corrections at revisions. But still the flow of the story is still the same. Stay tune in minasan😊.

-MysticBlackAsuna <3

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Where stories live. Discover now