Chapter 59: A Plan to Save His Sword Partner

80 6 3
                                    

Author's Note:

          How will you save your beloved Sword Partner if an offense wasn't forgiven yet?

         Will her broken wings can take her to the sky again and reveal the secrets of her past?

         And what kind of trick will he do? Is it about the Memory Fragments?

~SymphoZenie

==========================================================


===Izumi===

Nagulat na lang ako nang masaksihan kong sinuntok ni Shiro si Hirou sa harapan ko. Kitang-kita ko rin sa mga mata niya ang matinding galit at dismaya kahit maluha-luha ito. Unang beses ko ring nakita siyang naiiyak dahil sa nangyari. Pilitin ko mang magalit kay Shiro dahil hindi niya nagawang mailigtas at maprotektahan si Kiruna pero hindi eh. May dahilan siguro si Kiruna kaya niya ginawa iyon. Minsan matigas talaga ang ulo niya.


Pero bakit hindi man niya pinigilan ang Sword Partner niya? 


At ano naman ang ibig sabihin ni Shiro sa mga sinabi niyang paratang kay Hirou? May bagay ba akong dapat pang malaman tungkol sa kanya? Sa tunay niyang kapatid?


"Hirou..." paunang saad ko bago ko pa siya tanunngin sa nangyari, "ano bang dahilan kaya ka sinuntok ni Shiro? May alitan ba kayo? At may tinatago ka bang sikreto sa amin ng mga kaibigan ng ate mo?"


Kinakabahan na ako sa mga susunod na malalaman ko. Hindi ko alam kung anong dahilan pero pakiramdam ko parang may isa pang bagay na dapat kong malaman tungkol sa kapatid niya. Pero nakakapagtataka lang dahil galit na galit si Shiro sa kanya at lalong-lalo na si Kiruna mismo. Nagtatampuhan pa nga sila at hindi niya kinausap ang dalawa maliban lang sa bago kami maghiwalay ng dadaanang ruta sa Tanzanite Cave.


Tapos pagkarating namin dito ay tanging Silverblack Mist Sword na lang ang nakita kong nakapaloob sa sheath ni Shiro at lumuluha sa pagkadismaya dahil niya bigo niyang iligtas si Kiruna. Kahit ako ay naiinis sa kanya kung bakit hindi man lang niya pinigilan ang best friend ko. Minsan talaga matigas ang ulo niya pero may maganda naman siyang dahilan. Pero sa sitwasyong ito ngayon, mas masakit pa pala sa inaasahan ko. Isinakripisyo niya ang kaligtasan niya at iba pang memory fragments sa mga Braxion Thorn na aasintahin sana si Shiro.


Naiinis nga siya pero may puso pa rin siyang protektahan ang mga taong mahalaga sa kanya. Kaya hindi ko siya masisi. Pero iniisip ko pa rin ang kaligtasan niya lalo na't mapanganib talaga ang Illiad na 'yan na talaga naming ipinaglihi sa ahas.


At tungkol naman sa Illiad na 'yan, hindi ako nagkakamali sa naalala ko. Siya 'yong nakabangga ko dati n'ong inutusan ako ng ate kong bumili ng groceries at bigla na lang niya akong sinabihan ng "Ikumusta mo na lang ako sa kaibigan mong may amnesia" na mismong si Kazuki o Kiruna ang tunutukoy niya. Ang tanging ikinakatakot ko lang ay mangyari sa kanya ang nangyari kay Raven na kung saan napakialaman niya ang systems niya kaya hindi niya masira ang simpleng barrier papasok ng kwebang ito.


Baka dahil sa gagawin niyang 'yon ay makuha niya ang mga memory fragments at burahin ang mga alaala niya. Ayokong mangyari sa kanya ang bagay na 'yon! Kahit ako na lang ang saktan ng impaktang 'yon at hindi si Kiruna!

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon