Chapter 60.1: Prison Break at the Obsidian Castle

82 4 0
                                    

Author's Note:

The wait is over...

~SymphoZenie

=====================================

===Jiroshin===

Bago pa man kami tumungo sa Obsidian Castle, agad na kaming ginamitan nina Raven at Violet ng invisibility art upang mapadali ang aming pagpasok sa kastilyo at puntahan si Kiruna-chan sa dating pinangyarihan ng Light Crystallix. Kahit nakakadetekta ang lycans at harpies ng thermal body heat sa bawat player, sisiguraduhin naming hindi kami gagawa ng maling hakbang para mabuko kami ng mga nilalang na ito at ibalita kay illiad na dumating na kami. Kahit alam na niyang darating kami para iligtas ni Kiruna-chan, d'yan na siya kikilos kapag tinambangan na kami ng mga alagad niya o sa madaling salita ay mapapalaban na kami at may isang makakatakas at ibalita ito sa kanya. Talagang damang-dama niyang siya ang Queen of Dark Fairies sa Fairy Gurdians online ah. Paano pa kaya kung makakaalala na si Kiruna-chan? Sigurado akong katapusan na niya.

Pero sa sitwasyong ito, depende na kung sino ang mauuna: kabutihan ba o kasamaan? Alaala ba o paghihiganti? Kaligtasan ba o kapahamakan?

"Maging alerto kayo kung sakaling may mapapansin kayong kakaiba sa paligid. At kung may makikita man kayong isang harpy na aatake sa inyo habang nasa himpapawid pa tayo, kailangan niyong labanan ito sa pamamaraang hindi makakahalata si Illiad na may nangyayari nang labanan sa himpapawid," sabi ko.

"Maaasahan mo kami sa bagay na 'yan Shiro," sabi naman ni Hirou.

Matapos ang pitong minutong paglalakbay ay narating na namin ang Obsidian Castle na kung saan ginawa na itong kuta ng isa sa mga matinding bangungot ni Kiruna-chan na minsan na niyang naikwento sa amin noong bigla siyang nahimatay sa kasagsagan ng arts class namin. Wala namang pinagkaiba ang kastilyo nang huli naming itong pinuntahan para sa Light Crystallix, maliban lang sa isang kulay maroon na flag na nakasulat ang simbolong natuyong lily na parang may isang libingang nakakorteng bibig ng tao ang disenyo na nakaimprenta sa kulay puti. Mukhang inako na niya ang pagiging reyna ng madilim na kabihasnan. Talagang nababaliw na siya.

Medyo madilim na ang paligid at mahamog nang konti nang papalapit na kami sa aming destinasyon. Nagsimula na ring magmatyag nina Brock at Krystal sa paligid at tinignan kung may mga harpy bang nagmamasid sa ere at tuktok ng tore ng kastilyo at nakita lang nilang nakatulog sila sa ibabaw ng tore at bubongan ng kastilyo. Nakahinga kami nang maluwag ngunit hindi kami pwedeng magpakampante.

"Nakatulog ang mga nagbabantay rito sa himpapawid, pero siguraduhin nating walang me isang maliit na ingay ang gagambala sa kanila at talagang aatakihin na nila tayo saka magiging palpak ang plano natin," ulat naman ni Brock.

"Tama. Sensitibo pa naman ang pandinig ng mga harpy at kapag nagambala sila sa ginawa mo, talagang ikaw ang pagpipyestahan nila sa kanilang pananambang. Kaya tahimik lang tayo at siguraduhing makakahanap na tayo ng isa pang daanan papunta sa selda ng kastilyo," paalala ko sa kanila bago pa man kami gagawa ng hakbang.

"OK!"

Papalapit na nga kami sa kinatutulugan ng mga harpy at kailangan naming maging maingat para hindi sila magambala. Hindi ko inaasahang maaabutan namin silang umiidlip. Siguro napapagod sila sa kakahintay sa aming dumating kaya ayan sinumpong ng katamaran sa responsibilidad na binigay sa kanila ni Illiad.

Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pang humanap ng madaling daan para makapasok agad sa selda. Kapag dumaan kasi kami sa dating daanan at 'yon ay ang harapan ng kastiiyo, talagang maraming nag-aabang sa inyo para atakihin kayo kahit nakatulog pa ang mga 'yan. Kaya minabuti naming suyurin ang iba pang parte ng kastilyong hindi pa niya napupuntahan hanggang sa nakita ko ang isang munting bungalow sa likod ng kastilyo at napagdesisyunan naming bumama roon at suriin kung doon na nga ba ang madaling daan papuntang selda.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon