Chapter 34: The Black Light Warrior

307 14 0
                                    

Author's Note:

Hi minna-san! Anyone will ask kung bakit ang next chapter is entitled The Black Light Warrior Or KuroHikariSenshi. You will find out here the reason why.

-MysticBlackAsuna<3

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

---Kazuki---

Ano ba ang kinalaman niya sa tunay kong ama? At bakit niya ako tinatawag na KuroHikariTenshi? Eh yung ikinuwento ni Shiro-kun sa'kin eh dati akong binansagang "Black Angel" na kinalaunan ay pinalitan at tinawag akong Light Warrior. Pero ngayon tinawag niya akong KuroHikariTenshi?? Nalilito na ako sa mga nangyayari. Kahit isang taong may amnesia, gagawin niya ang lahat para malaman niya kung sino siya. Pero sa kabila nun, maraming mga kwento ang biglang lalantad para sa kaniya. Konti lang ang mga kwento o nga alaalang may katotohanan na mailalahad. Dahil kadalasan... Gagamitan nila ng kasinungalingan para gamitin sila o para mahulog sila sa isang patibong.

Sa ngayon nalilito na ako. At sa sitwasyon ngayon, nahinto ang usapan sa puntong sinabi niya ang mga katagang "tunay kong ama".

" Pwede ba wag mo nang bilugin ang ulo ko. At isa pa, ayon sa naalala ko Black Angel ang dating kong palayaw. Pinalitan lang ito bilang Light Warrior. At ano ba ang pinagsasabi mong tunay kong ama?!"

Agad naman niyang sinagot ang tanong ko na parang nalilito.

"Teka. Black Angel? Yun pala ang dati mong palayaw sa virtual world?"

"Hay. Kung magsasabi ka ng kasinungalingan hindi dapat halata. Baka(stupid) ka pala eh."Shiro.

Sandali???

Kung magsasabi man siya ng false memories dapat marunong siyang dumiskarte para ako maniwala.

Pero... Yung sinabi niyang tunay kong ama..

" At ano naman ang kinalaman mo sa tunay kong ama?"

"Sa totoo lang, noong nasa ALO ka pa, ang iyong mga magulang ang nagbigay ng iyong pangalang Kiruna. At sa nalalaman ko, ang iyong ama ang nagpalayaw sayo bilang Light Warrior. At ang ibang players Ay binigyan ka ng palayaw bilang Black Angel na kung saan ayaw mong marinig. Kaya pinili mo na lang ang katagang Light Warrior. Tanong ko. Bakit ayaw mo sa katagang Black Angel o KuroHi---"

"Tama na ang satsat! Ano bang pakay mo sa'kin?"

"Nais kong kunin ang iyong second memory fragment na nasa mga brilyanteng iyon at ibibigay ko ito sa mahal na reyna para siya na ang sisira nito. Pero ang tunay na pakay ng reyna ay...Gusto ka niyang patayin. At patunayan na siya ang pinakamalakas na swordplayer ng virtual world."

Napakawalang kwenta naman ng kaniyang dahilan. Para yun lang? Ano bang pumasok sa kokote niya? Pero...

"Yun lang ba? Yun lang ba ang dahilan niya?"

"Marami pang ibang dahilan KuroHikariT---"

"Pwede bang tumahimik ka na?!"

Hindi ko na napigilan ang galit ko kaya binunot ko na ang espada ko at sinugod siya. Pero umilag siya at...

"Yan lang ba ang kaya mo KuroHikariTenshi?"

"Wag mo akong tawagin sa pangalang yan!"

Agad kong ginamit ang sword skill ko at pati na ang wind blade slash. Agad itong tumungo sa lokasyon ng kinakalaban ko. Sana tumama. Sana.

Sandali! Nakatayo pa rin siya at hindi man lang siya nagalusan!

Teka. Hindi. Namintis ang mga pag-atake ko! Paano siya nakailag doon? Hanggang sa bigla na niya akong ginamitan ng isang uri ng espada na dahilan kung bakit na lang nagyelo ang espada ko. At agad na naman niya akong inatake at tumilapon. Argh! Ang lakas niya. At ... Gumagamit ba siya ng ice magic? Paano niya ginawang yelo ang espada ko? Kaasar! Pati kalahati ng katawan ko nakakulong sa yelo! Kainis!

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Where stories live. Discover now