Chapter 27:Lia's Mission 2

413 20 0
                                    

---Kazuki---


<<<<<<Flashback>>>>>>



Habang papunta kami sa Mystic Forest, bigla na lang may nagpadala sa'kin ng mensahe kahit nasa ere pa kami.At gaya ng dati si H pa rin ang nagpapadala ng mensahe.Habang binabasa ko ito...



"Mama, sino po ba yang nagpapadala ng mensahe sa inyo?"Lia.




"Ito?Si H Lia.Isang mabuting tagagabay ko.O sabihin na lang nating misteryoso kong kapatid."




"Talaga?Grabe talaga mama.Ang dami mo talagang stalker."Lia.



"Sinabi mo pa Lia."Riku.




Nag-uusap lang kami nun hanggang sa nakarating na kami sa Mystic Forest.Saktong nandoon na rin sila Aira at Gray at..




Sandali nga lang.Ba't ang iingay naman ng dalawang 'to?May problema ba?




"Sige na Aira i-accept mo na yung request ko na magiging party ko.May partner na kasi si Kira kaya ikaw na lang."Gray na medyo nagmamakaawa na.





"Pag-iisipan ko pa nga.Ano ba?Ang kulit mo naman Gray!Hay.Sigurado akong pag si Kira ang kukulitin mo ng ganito, titilapon ka talaga palabas ng FGO."Aira.



"Talagang titilapon ka Gray."




"Kira!Buti naman dumating na kayo."




Sa pagdating namin, napansin kong panay ang tingin ni Gray kay Lia.Hhmmm...Ano na naman ba ang katanungan niya?




"Uy Kira.Akala ko ba isa lang yung private pixie mo.Eh ba't may kasama ka pang isa?At babae pa?"




"Bakit?May mali ba Gray?"




"At isa pa, private pixie naming dalawa ni Kira-chan ang batang'ito."Shiro habang tanatap niya ang ulo ni Lia.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon