Chapter 36: The Mysterious Spriggan and ALO

313 12 0
                                    


---Kazuki---

A-A-Anong kalokohan ito?? Paano ako napadpad sa ALO na wala naman akong ginawa? Sigurado akong si Miko ang pumalit ng game. Lagot ka sa'kin mamaya. At...

Naku! Hindi ko kabisado ang mga lugar dito sa ALO!😨 At paano ko kokontakin si Shiro-kun na hanggang ngayon nasa FGO pa siya? Argh! Pag naka-offline ako, hahabulin ko talaga ang Miko na yan. Sa ngayon, kanina pa kami ni Riku naglalakad sa ALO. Sa may gubat syempre. At . . .

"Naku! Paano ko sasabihin kay Shiro-kun na nauna na pala ako sa ALO? Sabi ko sa kaniya kahapon na sasabay kaming mag-online dito. Ehh... Hay! Paano?!" ,sabi ko na medyo nag-aalala na may pagkatanga expression.

Nag-anyong tao si Riku sa mga oras na iyon. At sa totoo lang, kanina pa niya ako pinapakalma.

"Ate Kira--- Uh ate Kiruna naman. Kumalma ka naman ng maayos dyan. Ayaw ko pa namang mapagod ka sa kalalakad mo. At sa pag-aalala mo. Baka mastress ka pa dyan eh."

"Ayos lang nako Riku. Talagang AYOS lang ako. Hay. Napapagod na ako sa paglalakad."

Oo. Kanina pa kami naglalakad. Baka sa buong ALO, or should I say Alfheim. Paano ako makakapunta sa destinasyon ko? Teka. Parang may sinabi si Shiro-kun sa'kin kung saan kami magkikita.

<<<<Flashback>>>>

Bago pa kami mag-log out, nag-usap kami ni Shiro-kun kung saan kami magkikita sa ALO. Sa mga oras na iyon, naka-log out na ang barkada. Kami na lang ang naiwan.

"Kung magcoconvert tayo ng account sa ALO, saan naman tayo magkikita? Alam mo namang wala akong naaalala doon. At hindi ko na kabisado ang mga lugar doon. Pangalan, oo. Pero ang lokasyon, hindi."

"Sabay na lang tayong mag-online bukas. Alam ko pa ang mga lugar doon sa ALO. Sa isang gubat tayo dadalhin ng system pag nag online tayo. Basta. Kung sino man ang mauuna, doon lang maghintay sa may sapa." Shiro.

"Ok. Kokontakin na lang kita pag nakarating ako doon. Para sabay na tayong hanapin yung dapat hanapin narin sa ALO." Ako.

"Aasahan ko yan Kiruna-chan."

<<<<End of Flashback>>>>

Argh! Paano na'to? Parang...

Teka sandali...

Saang lupalop ng Alfheim na ako napunta? Naku! Parang. ..

NALILIGAW NA AKO!

Huy Riku pakibilisan mo namang sumduin si Shiro-kun oh. Para na akong tangang naliligaw sa kawalan. Oo nga pala. Parang ako lang ang mag-isa ngayon. Bumalik si Riku sa FGO para puntahan si Shiro-kun na nandoon pa rin.

Habang naglalakad, may nakita akong isang puno at doon muna ako nagpapahinga. Nagtataka lang ako sa pagconconvert ng account ko from FGO to ALO. Kasi ang espadang gamit ko sa FGO, dala ko pa rin hanggang ngayon. Hay. Ano bang klaseng buhay 'to.

Habang nakahiga sa lilim ng puno, bigla na lang may isang player ang lumapit sa'kin.

Nakablack siya. So it means isa rin siyang Spriggan tulad ko. At..  Parang nakita ko na ang mukhang ito dati pero hindi ko matandaan kung saan, o kelan.

Panay ang tingin niya sa'kin with curiosity. At parang naiisip kong nakakainis na siya.

"May problema ba sa mukha ko Spriggan?", tanong ko na may pagka-cold ang dating.

" Uh wala naman." , sagot niya.

"Napapansin ko kasi na panay ang pagtitig mo sa'kin. May dumi ba ako sa mukha?"

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Where stories live. Discover now