Epilogue

222 6 2
                                    



September 27, 2042, Saturday 10:00 AM


Abala ako ngayon sa bakuran para sa pagsasanay ko sa nalalapit na Kendo Tournament elimination round sa ika-1 ng Oktubre. Nagiging mabuti na rin ang aking pakiramdam simula nang mangyari ang Quest Memoria at nagbalik ang iilang mga alaala ko sa virtual world. Mas lumakas pa ang pananalig at paniniwala kong makakaalala na ako ulit at mahahanap ko na rin ang aking tunay na mga magulang at si Ate Asumi. Napapaisip din ako kung hinahanap pa ba nila ako maliban kay Hiroto, pero naniniwala akong hindi pa rin sila sumusuko sa paghahanap sa akin gaya niya. Kahit 7 taon na ang nakakaraan ay hindi ko pa rin maiwasang maisip ang bagay na iyon.


Tumawag na rin ako kay Doc Akira tungkol sa pangyayaring ito at maganda naman ang naging tugon niya sa kondisyon ko. Sabi niya nasa kalahati pa lang ang naaalala ko pero hindi na rin 'yon masama para mahanap ko pa ang kalahati. Naikuwento ko na rin sa kanya ang tungkol sa boses na narinig ko habang nasa virtual world at sabi naman niya ay baka isa rin 'yon sa mga memory fragment data ko na hanggang ngayon ay nananatili pa ring misteryo sa aking nakaraan. Basta hindi lang ako masyadong magpakapagod at maistress nang lubos at baka ikakapahamak ko pa ito.


Maya-maya pa'y lumapit sa akin si Mama Mel habang may dalang tuwalya para pamunas ng aking pawis kasama ng isang basong tubig.


"Kumusta naman ang pagsasanay mo Kazuki?" nakangiting nangumusta si Mama Mel.


"Ayos lang po Mama Mel gaya pa rin ng dati," nakangiti kong saad. Kinuha ko kaagad ang tuwalyang bitbit niya at saka pinunas ang aking pawis sa mukha at leeg. Uminom na rin ako ng tubig na hindi rin malamig dahil nakakasama iyon sa katawan ko.


"Alam kong nagiging abala ka na sa paghahanda ng nalalapit na tournament at long quiz ngayon kaya ka nagsisikap. Hindi talaga ako magsasawang sabihin sayo na ipinagmamalaki kita kahit na anong mangyari."


"Salamat Mama Mel. Hindi naman nangyayari ito kung hindi dahil sa Poong Maykapal at sa inyo na nagsisilbing lakas at inspirasyon ko sa laban ng buhay. Kung hindi rin kayo dumating sa buhay ko malamang nasa isang kawalan na ako ngayon," sabi ko sa kanya at ngumiti. Hindi rin talaga nauubusan ng salita si Mama Mel sa tuwing may pinagdadaanan din ako sa buhay at lagi rin silang nandyan para umagapay. Isa na rin ito sa mga naging dahilan kay naging matagumpay ako sa mga tournament na sinasalihan ko.


"Ganoon ka rin sa amin Kazuki. Hindi man kita kadugo pero ikaw ang isa sa mga malaking biyayang natanggap namin ng Papa Carl mo. Determinado, mabait, maganda, matalino, maalalahanin at higit sa lahat ay handing protektahan ang minamahal sa buhay. Maituturing man ito minsan na isang hindi inaasahang pangyayari pero napakasaya namin nang dumating ka sa buhay namin." Sabi niya at niyakap ako nang mahigpit. Tumawa kami sa sayang naramdaman namin mula sa munting drama na ito na mas nagpapagaan ulit ng loob ko. Sa tuwing nalulungkot ako laging nandyan sila Mama Mel para pasayahin ako. At isa pa, hindi na rin ako makapaghintay na ipakilala sa kanya ang tunay kong kapatid.


"Mama Mel talaga," masaya kong saad.


"Maghanda ka na Kazuki dahil may mga bisita kang darating ngayon," sabi niya sa akin at kinuha ang hawak kong baso na kanina pa naubos.


The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon