Chapter 35: From FGO to ALO

336 14 3
                                    

---Kazuki---

Uh... Anong nangyari? Ba't bigla na lang akong nahimatay? Baka napagod lang ako sa labanan kanina. At... Nasa bahay na ako sa Windia's Village? Grabe. Hindi ko namalayan na nagamit ko ang ganong klaseng sword skill.

Sa kabila nun, narinig ko ang boses ni Lia na umiiyak. Bigla na lang niya akong niyakap.

"Mama! T_T Akala ko... Akala ko matatalo ka na ni Amero kanina. Buti na lang dumating si papa para tulungan ka.*huk*"

"Ayos lang ako Lia. Natalo ko naman siya diba?"

"Oo ate Kiruna. Ang galing nga ng ipinakita mong sword skill kanina. At tinawag mo ang sarili mong Black Light Warrior." Riku.

"Teka. Nasaan si..."

"Kiruna-chan...", napansin kong seryoso si Shiro-kun kung makatingin. Teka. Galit ba siya sa'kin dahil sa hindi ako nag-iingat sa laban?

"Shiro-kun.. G-Galit ka ba sa---"

Bago ko maipagpatuloy ang mga sasabihin ko, bigla na lang niya akong niyakap. Napansin ko rin na parang... Umiiyak ba siya?

"Ikaw talaga Kiruna-chan! Di ka na naman nag-iingat. Sobra mo akong pinag-alala. Paano na lang kung may nangyari sayong masama? Ikaw talaga."

"Gomen ne.(I'm sorry ) Shiro-kun. Parang nadala na yata ako sa galit ko kanina. S-S-Sorry kung *tears fall* napag-alala ko kayo. Sorry *huk*. Gusto ko lang naman na maprotektahan ko kayo. Siguro, kailangan ko na ring lumayo sa inyo para hindi kayo madamay sa sitwasyon ko. Ayoko na isa sa inyo ang mapapahamak nang dahil sa'kin."

Pinagpatuloy pa rin niya akong pinapatahan. At mas lalo pa niya akong niyakap ng mahigpit na parang naririnig ko na ang tibok ng puso niya.

"Sshhhh. Wag mong sabihin yan Kiruna-chan. Tama lang ang ginawa mong protektahan kami. At isa pa, hindi ka nag-iisang lumalaban sa mundong ito. Naging parte na rin kami sa buhay mo. Pero... May bibitawan muna tayong pangako.", Shiro.

" Ano naman yun?"

"Simula ngayon, poprotektahan natin ang isa't isa. At bilang sword partner mo, responsibilidad ko ang protektahan ka. Hinding-hindi ko hahayaang may mananakit na naman sayo ulit."

"Ganon din ako."

Pinahid niya ang mga luha ko. At kinalaunay napangiti na lang ako.

Parang may nakalimutan ako.

"Yung second memory fragment. Paano ko tanggalin ang Pyra's Tears sa espada? Eh nakakonekta na ito."

Bigla na lang may napansin si Sky sa espada ko.

"Kiruna. Yung brilyante sa espada mo. Yan ang Pyra's Tears." Sky.

"Ito?", sabay turo ko sa isang brilyanteng nasa ibabang bahagi ng hawakan nito. Pinindot ko ito at...

Isa na namang pangyayari ang tumambad.

Isang lalakeng Spriggan, at ako ang nandoon. Nagsasanay na makipaglaban. At...

Isa pang player pero isang babae. Pinapatulog niya ako sabay kanta ng isang lullaby. Sandali. Yan rin ang biglang tumambad sa isipan ko nang nagdwelo kami ni Shiro-kun. Malabo ang mga mukha nila. At...

Habang pinanonood ko ito, bigla na lang nagmessage si H.

" Ate Kiruna. Nagpadala na ng mensahe si H."

"Na naman? Sino ba talaga ang H na yan? Ba't ayaw niyang magpakita kay Kiruna?" Gray.

"Hindi ko alam Gray. Sadyang marami pang mga misteryo ang nakatambak sa mga pagkatao niya." Aira.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon