Chapter 55: Confronting The Secret

159 3 0
                                    

Author's Note:

My updates are going to be a little bit slower dahil sa paghahanap ko pa rin ng paraan para makabawi sa pag update since nagiging abala na rin ako sa aming mid-term sa kolehiyo. Ngayon lang ako nakapag-update na fresman na!

Worst thing: Your phone has been slain. Huhuhuhu!

Bago ko nga pala makalimutan, I change my UN into SymphoZenie but still ginagamit ko pa rin ang aking previous un in every story updates. Don't be confuse minna-san hehehe. 

~SymphoZenie /MysticBlackAsuna 💙

=================================

===Izumi===

Hay! Nasaan na naman ba ang dalawang iyon? Kaninang-kanina pa talaga akong naghihintay sa Central Tower sa loob na ng isang oras wala pa rin? For their information baka magkakaroon pa ako ng varicose veins dito. Ay oo nga pala nakalimutan kong nasa isang Virtual World pala ako kaya ganito.

Hindi na ako nagdalawang-isip pang lumipad na lang at pumunta sa kinaroroonan ng iba kong mga kasamahan. Maliban kasi sa pagkainis ko, bigla na lang din akong nakaramdam ng kaba. Ewan ko kung bakit bigla ko na lang itong naramdaman pero parang hindi talaga maganda ang kutob ko rito.


Matapos ang limang minuto, nakarating na ako sa aking lokasyon. Sobrang tahimik ng paligid maliban lang sa nakikita kong kakaibang ugat na tumubo sa bandang kanan.  Parang isang bihirang halaman na kung tawagin ay Braxion Plant na matatagpuan lamang sa kaharian ng Queen of Dark Fairies. At dito rin nagmula ang Braxion Dagger na isang poisonous weapon ng VW. Mukhang hindi nga talaga maganda ang kutob ko sa pakiramdam ko.

Hindi ko masasabing tama ang kutob ko o sadyang kumokonekta lang ba lahat ang mga hinala ko sa isang tao na naging kasamahan namin sa grupo.  


Mayamaya pa'y biglang may nag-pop out na notification sa harap ko. So I immediately swipe my right hand until the window starts to come out. Pinindot ko agad ang message icon at biglang lumabas ang chat box ni Raven. Hindi ako nag-aalinlangang buksan ito at isang mensahe ang aking nabasa nag nagbibigay pa ng mas masamang kutob sa nangyayari. Kahit 10 minutes ago pa itong ipinasa.


[Raven: ONE OF YOU IS LIKE A WOLF IN A SHEEP'S CLOTHING. 

A PREDATOR WHO WAITS A RIGHT TIMING  AND EAGER TO CATCH ITS VICTIM USING ITS BEAUTIFUL TRAP.

PRETENDS PURE BUT HAS A DARK DESIRE FILLED WITH WRATH AND ENVY IN ITS HEART.

HUWAG MONG HAHAYAANG MAPALAPIT SI KIRUNA SA ISANG TAKSIL! ]

Taksil? Sino naman kaya ang tinutukoy niya? Yung mensaheng pinadala niya ay parang isang salawikain o bugtong kung tutuosingmay halong babala. 

Hindi kaya magkakonekta talaga ang mga hinala namin sa isang player na kasama namin?

Kung tama man ito, mukhang kailangan ko nang mabahala sa oras na ito.

 Pero kung hindi man tugma ang hinala namin, sino naman ang ahas na iyon?


===Jiroshin===

"Akala ko ba susunduin natin sila Kiruna-chan sa Mystic Forest," takang-taka kong sabi kay Hirou habang nakaupo ako sa may terrace ng bahay ng kapatid niya. "Bakit nga pala tayo nandito?"

Tahimik na nakamasid si Hirou sa kalangitan ng gabi na kung saan ang sinag ng buwan at ang mga nagniningning na bituin ang nagbibigay liwanag sa kapaligiran. Samahan pa ng malamig na hanging umiihip at dumampi sa aming balat.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Where stories live. Discover now