Chapter 16: The Second Element

890 38 12
                                    


===Kazuki===

Matapos ang aming pagpupulong para sa susunod na front line ay agad na kaming nagtungo sa Dark Dungeon na kung saan una kong nakalaban ang isang boss na kung tawagin ay ang Dark Satyr. Halos 10 minuto na ang lumipas nang makarating kami rito at sama-sama kaming naglalakad papunta sa seldang pinaglalagyan ng haharapin naming boss. Napaisip ako na sana gumana ang pinaplano namin para matalo ito. Pangalawang salang ko na ito sa front line o quest at mukhang nagugustuhan ko talaga ang larong ito.


Gaya ng nabanggit namin sa aming pagpupulong kanina, ang susunod na boss na aming kakalabanin ay isang uri ng wereworlf elf o mas kilala rin sa katagang werelf: kalahating duwende, kalahating lobo. Magkapantay ang laki nito sa Dark Satyr na kinalaban namin nitong nakaraang araw. Gumagamit siya ng elementong kadiliman at isa sa kanyang mga abilidad ay ang paggamit ng shadow cloning technique at shadow serene na kung saan kaya niyang kontrolin ang anino mo. Ang elementong nagpapahina naman sa kanya ay mga elementong nagbibigay liwanag gaya ng apoy pero huwag mo lang hayaang makita at makontrol niya ang anino mo para talunin ka. At isa pa matalas din ang pandinig nito.


Masasabi ko talagang malakas ang boss na makakaharap namin ngayon. Sigurado akong mahihirapan kaming talunin ang halimaw na 'to at kailangan namin ng matinding pagtutulungan at koordinasyon para rito. Sa oras na makarating na kami roon, dapat maging alerto kami. Lalo na't may kakayahan siyang gamitin ang abilidad na may kinalaman sa anino.


Habang naglalakad pa kami papunta sa kanyang selda ay hindi naman matatantanan ang isang napakaingay na boses na kanina pa nababagot at nasasabik nangharapin ang werewolf elf. Ewan ko lang kung ganito ba talaga ang isang baguhan o hindi sa tuwing sasali siya sa isang quest. Parang dinaig pa niya ang isang batang makulit.


"Hay naku! Nakakabagot naman rito! Naglalakad tayo papunta sa kuta ng boss at ang tahimik niyo pa. Puwede bang mag-uusap-usap naman tayo o mag-ingay naman ng konti para tanggal banggot? At isa pa, wala pa bang mga halimaw na magpapakita rito?" pagrereklamo ni Gray.


Natawa naman si Brock sa kanyang mga sinabi at napatapik siya sa kaliwang balikat nito at nagsalita.


"Hay naku sayo insan! Sadyang seryoso lang siguro sila ngayon kasi mahirap ang kakalabanin nating boss sa quest na ito. Sa nakikita mo naman medyo tahimik sila matapos ang pagpaplano kanina. Huwag mong sabihin sa'kin na iistorbohin mo na naman si Kira habang papunta tayo sa kuta ng boss," seryoso ngunit mapang-asar na sabi ni Brock kay Gray sabay tawa.


Napakibit-balikat na lang bigla si Gray sabay hinga ng malalim na tila naiinip at naiinis. Baguhan pa kasi siya at masasanay rin siya sa mga ganito. Ako nga kahit mukhang baguhan nagiging kampante lang ako pero maraming katanungan na ang bumubuo sa isipan ko simula noong sumalang ako sa isang quest nitong nakaraang gabi. Hindi ko akalaing magagawa ko ang ganoong klaseng pag-atake at sword skill kahit beginner's sword pa lang ang gamit ko n'on. Ano kayang klaseng kababalaghan ang meron sa account ko?


Hindi pa rin matigilang mainis si Gray sa kabagutang ramdam niya ngayon kaya napalakas na lang ang boses niya sa pagsasalita kasabay ng kanyang pagbuntong hininga.


"Argh! Naiinip na talaga ako! Nasaan na ba ang mga halimaw dito?!" Nagrereklamo na talaga si Gray o talagang naaatat na siya sa gagawi namin ngayon. Dapat marunong din tayong maghitay sa mga oras na ito.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Where stories live. Discover now