Chapter 54: Reina's Warnings

252 10 0
                                    

===Kazuki===

Kakagaling ko lang mula sa school library para basahin ang librong binili ko dati para mas madadagdagan pa ang impormasyon ko kung paano ko maibabalik ang mga alaala ko. Habang yung isang libro naman ay nasa bahay iniwan ko. Doon ko lang kasi 'yon binabasa.

Tahimik akong naglalakad papunta sa school ground na kung saan magkikita kami ni Raven. The real world Raven perhaps. At medyo marami pang tao rito at me isang anino niya hindi ko nakita. Syempre nga naman dahil hindi ko nakikilala kung sino siya.

Tungkol nga pala kagabi sa aming pinag-usapan, hindi pa rin ako makapaniwalang nagpakahirap pa si Hirou na gumawa ng isang quest program para tulungan niya akong mahanap ang mga alaala ko sa virtual world. At kaya pala hindi ko inaasahan na nagiging tauhan kami sa quest na siningit niya sa bawat kwento ng game.

Pero pinagtataka ko lang. Yung sinabi pa niyang kwento tungkol sa mandirigma at nilalang na may blue fire, hindi ko napansin na ang bawat detalye n'on ay nakabase sa front lines namin ni Jiroshin-kun sa virtual world. Paano naman nangyaring pati memory data niya mapasama sa Quest Memoria at paano ito na-track ni Hirou?

Basta sa ngayon, kailangan na naming makuha ang dalawang memory fragments para maisagawa na ang sinasabi niyang memory recollection. Ewan ko kung ito ba ang tamang term.

Mayamaya pa'y lumapit sa 'kin ang isang babaeng may kulay chestnut brown na buhok at mata. Hanggang chest level din ang haba nito. Tapos sideways ang bangs niya at may taas siyang 5'4. Maputi rin ang balat at nakasuot siya ng navy blue na sweater with white long sleeves na sinapaw niya sa kanyang school uniform.

"Ikaw ba si Kazuki?" tanong ng babae.

Tahimik lang akong lumingon sa kanya at kitang-kita ko ang pagiging emotionless nito.

"Oo ako nga. Sino ka?" tugon ko na may kasamang tanong.

"Kamukha mo talaga ang avatar mo sa FGO kahit wala kang hairclip. I guess you know me already in the game," sabi niya.

Kamukha ang avatar? Sandali nga lang. I guess I know this girl. Hindi kaya siya na ang Raven sa tunay na mundo?

"Raven? Ikaw ba 'yan?" tanong ko.

She slightly smile at me at pagkatapos ay nagsalita na siya.

"Oo ako nga. Reina Tanashi nga pala ang tunay kong pangalan. Masaya akong makilala ka sa tunay na mundo Kiruna," sabi niya.

Nagkamayan kaming dalawa sa aming pagkikita. Hindi ko inakala talaga na si Raven siya. Sa game maiksi ang buhok niya tapos ganyan din ang bangs niya. Maganda pa rin siya sa personal.

Pero sana man lang hindi niya ako laging tawagin sa avatar name ko. Baka nandito lang kasi sa paligid ang taong gigil na gigil na akong patayin. Kahit nasa game pa ako mapadpad.

"Ganoon din ako Tanashi-san," I politely said.

"Naku. Kahit Reina na lang ang itawag mo sa' kin dito sa tunay na mundo ok na," sagot niya.

"Ok Reina."

Kaagad kaming pumunta sa may school cubicle na nasa tabi ng school ground. Rinig pa rin namin ang ingay ng mga estudyanteng nagsasanay para sa nalalapit na sports fes ngayong Ika-3 ng Oktubre.

Bunsod ng katahimikan sa sitwasyong ito ay agad na binuksan ni Reina ang usapan.

"Kazuki, alam mo naman siguro kung bakit gusto kitang makausap," sabi niya.

"Sa totoo lang hindi," I said while moving my head on sideways. "Ano pala ang dahilan kung bakit gusto mo akong makausap?"

Reina take a deep sigh before she started to utter a word. Maging ako man ay parang may kakaibang nararamdaman sa sitwasyong ito.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon