Chapter 46: The Memorable Night In ALO

419 13 0
                                    

----Kazuki----

30 minutes have passed nang magpaalam sila Sapphirine at Moonlight sa amin at naging mga paruparo. Nasa labas pa rin kami ng bahay ni Kito ngayon na katabi lang ang isang lawa. Payapa at tahimik lang kaming nakikiramdam sa paligid habang nakatingin kami sa langit. The skies are awake tonight. Full of billions of stars that gathered together like a galaxy. Shining in purple, emerald green and blue stars. Nagniningning silang lahat at nakangiti sa amin. Samahan mo pa ang malamig na simoy ng hangin where my midnight black long hair is flying through the breeze. The leaves of the trees are dancing on the graceful winds. Rustling sounds from it creates a very peaceful melody. Ang mga bagay na ito sa mundo ng ALO talagang mamimiss ko. Lalo na ang floating city at ang World Tree.


Habang pinagmamasdan namin ang paligid, tila bigla kong pinalaya ang aking isipan at napapikit sa aking nararamdaman. Tila bigla na lang may nagflash sa aking isipan na isang pangyayari. Parang nakita ko ang aking sarili na lumilipad papunta sa buwan. I was like a little nightingale who wants to fly high to the moon with my beautiful melody is singing in my heart. Pakiramdam ko umangat ako sa lupa at nakikisayaw pa sa hangin.

Every symphony from the whispering winds, I can feel myself a relief. And all of a sudden, when I open my eyes, napag-alaman ko na lang na nakalutang na ako sa ere at nakalabas na ang mga pakpak ko na kasingkulay ng langit sa gabi. I'm standing alone as I look at the moon that shines so bright tonight. Nasa ibabaw na pala ako ng mga puno sa mga oras na ito. Hindi ko tuloy napansin.

At laking gulat ko pa nang makita ko ang isang nakangiting Sylph sa harapan ko ngayon. Hawak-hawak niya ang aking mga kamay habang nakalipad kami sa ere. Nagkatinginan kaming dalawa at hanggang sa ngumiti na rin ako gaya niya.

"Mamimiss ko talaga ang ALO. Sayang hindi na tayo pwedeng magtagal dito. Natapos na natin ang ating misyon sa mundong ito na kung saan ay hahanapin natin ang dalawa pang memory fragments." Mahinahon kong sabi habang nakatingin ako sa buwan. Pati rin ang mga kumikislap na bituin sa langit ng ALO, mamimiss ko rin ito. Ang isa sa mga sinasabi nilang unang mundo na kung saan ako'y nakipagsapalaran. Ang unang mundo ng VR na kung saan nakilala ko ang aking sword partner. At ang pinakaunang laro na kung saan nagsimula ang lahat ng mga pinagdaanan kong mahihirap na front lines.

Kailangan na rin naming bumalik sa FGO para ipagpatuloy namin ang Quest Memoria. Kung pwede lang sanang magtagal pa rito. Hindi ko pa halos nadidiskubre ang mga pakikipagsapalaran sa mundong ito.

"Oo nga. Ang mundong kung saan tayo nagkakilala noong wala ka pang amnesia. At dito run natin sinimulan ang ating pakikipagsapalaran sa mga front lines." Sabi naman ni Shiro-kun.

Habang nagkatinginan kaming dalawa, bigla ko na lang naisip ang isang bagay. Isang alaalang babaunin ko bago kami umalis sa Alfheim.

"Uhm... Pwede ba akong humingi ng pabor sayo Shiro-kun?" Tanong ko habang pinipilit kong kontrolin ang aking nararamdaman sa loob. Pakiramdam ko kasi parang may mga paruparo sa dibdib kong nagliliparan. Para maiba na naman.

"Ano iyon Kiruna-chan?" Tanong ng nakangiting Shiro-kun. Alam kong medyo awkward ang sasabihin kong labor pero OK na rin iyon. Para lang sa babaunin kong alaala pabalik sa FGO.

"Pwede ba tayong gumawa ng isang alaalang babaunin natin bago tayo bumalik sa FGO? Kahit wala pa akong naaalala sa mundong ito, ang mga pakikipagsapalaran natin, at kung sino ako, ang importante ay may isang alaala akong hindi makalimutan pag-alis natin dito. Kung ayos lang sayo." Mahina kong sabi at binigyan ko siya ng isang masayang ngiti sa labi.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Where stories live. Discover now