Chapter 14:The New Comers

1K 39 10
                                    

Author's Note:

Hi minna! May ginawa lang po akong konting revisions but the flow of the story is still the same. At hindi po ito nakakaapekto sa takbo ng kwento. Stay tuning in guys.

-MysticBlackAsuna💙

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

---Kazuki---

Main Central Tower, Windia's City

Ilang minuto na akong naghihitay sa mga kasamahan ko dito sa Main Central Tower ng Windia's City. Sa kalkulasyon ko nasa mga 25 minutes na. Hay grabe. Pang-apat na gabi ko pa lang sa FGO pero ang dami nang nangyari. Ang awkward moment namin ni Jiroshin, ang pag-crash landing, at higit sa lahat ang sword skill na taglay ko. Ewan ko ba kung paano ko yun nakuha. Hindi kaya may bug na naman sa systems ko? O baka naman since birth pa.

Pero maiba nga tayo sa usapan.

25 minutes na ang lumipas hindi pa rin sila dumating. Hay! Nasaan na ba ang mga 'yon? Ang usapan ay usapan. Sabi nila maaga silang pupunta eh mukhang ako pa yung mas maaga. Tapos wala pa akong makausap dito. Baka mamaya pa 'y yung tower ang kakausapin ko sa sitwasyong ito. Hay!

Buti pa tawagin ko na lang si Riku.

"Riku nandyan ka ba?" Sabi ko.

At agad namang nagpakita si Riku at umupo sa aking kanang balikat. Tila napansin niya sa 'kin na medyo tahimik at mag-isa ako ngayon. Ang tagal kasi nilang dumating eh.

"Uy ate Kira ayos ka lang ba?" Tanong ni Riku.

I sighed deeply before I reply his question. Hay! Grabe na kasi itong iniisip ko. Sobrang dami na kasi ng mga katanungang bumabagabag sa isipan ko.

"Oo naman. Medyo naiinis lang ako. Ang tagal kasi nilang dumating eh." Sabi ko na may halong mukhang emotionless. Sino ba naman ang maiinis sa kakahintay sa kanila? Si Sky nagmessage sa 'kin kanina na "On the way" na. Eh sa sobrang pag-oon the way hindi pa rin sila dumating. Hay naku! Pwede bang i-finalize niyo kung talagang parating na kayo?

"Ah. Kaya pala ate Kira. May tao talagang nagsasabing parating na pero may ginagawa pa pala. Mas nakakainis kapag nakatulog pala sa kakasabi ng on the way." Natatawang sabi ni Riku.

"Sinabi mo pa. On the way is one of the biggest lie na ginagamit ng ibang tao." Pacold ko namang sabi sa kaniya.

Pagkatapos ay huminga ako ng malalim at tumingin sa langit. Baka kasi sa himpapawid sila dadaan. At hindi lang yan. Mas marami na naman akong iniisip ngayon sa sitwasyon ko. Ikaapat na gabi ko pa lang sa FGO ang dami nang mga katanungan sa isipan ko. Hay.

"May problema ba Ate Kira?" Pag-aalalang tanong ni Riku.

"Wala naman. Bakit mo naman naitanong yan Riku?" Mahina kong sabi sa kaniya.

"Nakikita ko kasi sa mukha mo. Parang ang dami mong iniisip eh." Wika ni Riku.

Huminga ako ng malalim at agad na tumingin ulit sa kaniya at ngumiti.

"Ganito talaga ako Riku basta naninibago pa lang. At yung mood na sobrang curious ako sa mga nangyayari sa 'kin sa Virtual World. In short parang nag-oover thinking na naman ako." Mahinahon kong sabi with matching pag-alala. Sa totoo lang ang hirap talagang magkaroon ng kondisyong ito. Yung tipong patay na kung patay para lang makaalala ka ulit. Hay.

"Ate Kira huwag kang masyadong mag-iisip ng labis. Nagdudulot pa naman yan ng stress at nakakapangit yun." Wika ng nag-aalalang AI. Grabe nakakapangit talaga? Saan mo ba yan nakuha huh?

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Where stories live. Discover now