Chapter 47: Doctor Akira's Warning and The Vengeful Player in A Dream

335 8 0
                                    

Author's Note:

Few more chapters to go before the end of Quest Memoria. At unti-unti na ring magpapakita ang mortal na kaaway ng ating pinakamamahal na Black Light Warrior. Wag nang bibitiw sa susunod na mga kabanata ng TLS.

-MysticBlackAsuna💙

--------------------------------

---Someone's POV---

"Patawad! Hindi ko siya kayang talunin. Sobrang lakas kasi niya. At yung sword skill na gamit ni Black Light Warrior ay mas lalo pang lumalakas simula nung makuha niya ang Pyra's Tears. Kahit na wala siyang maalala sa nakaraan nagawa pa rin niyang gamitin ang isa sa kaniyang original sword skill." Palusot ng walang kwenta kong tauhan habang nakaluhod siya sa aking harapan. Nakaupo lang ako sa aking pinakamamahal kong trono at tinitigan ko siya ng masama.

"Si Black Light Warrior Kiruna? Mas lumalakas? Imposible! Dahil yun sa katangahan mo Amero! Kaya niya nakuha ang Pyra's Tears nang dahil sa kapabayaan mo! Hinayaan mo lang siyang makuha ang mga memory fragments!"

Kasabay ng pagbuso ng aking galit, hinugot ko ang aking pinakamamahal na espada <<Dark Lily>> at hinati ang kaniyang katawan ng isang beses na naging dahilan ng pagiging orb niya.

"Mga walang kwenta! Pareho lang kayo ni Raven puro mga walang silbi!"

Hindi! Hindi dapat itong pwedeng mangyari! Ilang memory fragments na lang ang kulang para makumpleto niya ang Quest Memoria!

Kapag nakuha na niya ang lahat ng iyon, maaalala na niya ang lahat sa kung sino siya sa nakaraan. Lalo na doon sa pangyayaring tinalo niya ako dati sa ALO 7 taon nang nakalipas.

At yung mga tauhan ko na aking pinadala ay natalo lamang sa mga kamay niya! Puro rin silang walang silbi! Mga walang napag-alaman! Sa isang simpleng player lang na hindi nakakaalala sa kaniyang nakaraan ay tinalo ang mga tauhan ko!

Hinding-hindi ko papayagang makuha niya ang lahat ng kaniyang mga alaala lalo na ang kaniyang pinakamamahal na Light Crystallix! Ang Light Crystallix ay ang susunod na memory fragment na hahanapin nila. Ako lang dapat ang makakakuha 'non at hindi ang amnesia girl na iyon! Ang walang kwentang Black Light Warrior!

Kapag nangyari iyon,tatalunin na naman niya ako. Walang sinuman ang makakatalo sa reyna ng mga Dark Fairies! Isa akong high leveled swordplayer ng virtual world! I should be the one on top and not her!

At dahil wala na akong mga tauhan, mga walang silbing tauhan, napagdesisyunan ko nang ako na ang gagawa. Queens doesn't have to do this job. Pero nang dahil sa ginawa niyang pagkolekta ng mga memory fragments, oras na para kumilos.

I'll give her a special surprise na hinanda ko para sa kaniya. A surprise that she will never forget. And that is how will I defeat her.

Maghintay ka lang Black Light Warrior. Dahil nagsisimula pa lang ako. Hahaha! (Evil Laugh)

---Kazuki---

Kudo University

6:14 pa lang ay nakarating na ako sa school. Sakto namang wala pang masyadong tao kaya may oras pa akong makapag-isip sa mga pangyayari kagabi sa ALO.

Naglakad ako papunta sa school garden para doon ko gagawin ang dapat kong gawin. Ang magmumuni-muni. Nang makarating ako ay agad akong umupo sa may bench na kung saan ay may nakapalibot na mga bulaklak. Dito sa kanan ko ay may mga nakatanim na blue roses. Rare lang ang uri ng species na ito kumpara sa ibang uri ng mga rosas. Gaya ng black rose na makikita sa Turkey, ayon sa nabasa o na-research ko.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Where stories live. Discover now