Route 2

6K 163 18
                                    

I browsed my shelf for the nth time. Halos baliktarin ko na ito.

"It's not really here." I whispered to myself. Inayos ko ang pagkakatali ng buhok dahil may ilang hibla ang tumakas.

Lumapit pa akong muli sa akin study table. Nakabukas ang lahat ng drawers nito pero wala doon ang libro ko. Napagpasyahan ko ang bumaba para magtanong sa mga kasambahay.

Pababa pa lamang ako ng hagdan ay naririnig ko na ang ingay sa ibaba. May mga bisita si Trisha?

Nagpadesisyunan kong tignan muna ang ginagawa ng aking kapatid bago tumuloy sa kusina.

"Trisha, come and join us na!" I saw my sister sitting on one of the loungers. She's wearing a yellow swimsuit but she's not wet. May dalawa namang babae na sa tingin ko'y ka-edad niya ang naglalaro sa aming pool.

"Hey." Umupo ako sa kanyang tabi. Hindi ko maipinta ang itsura niya.

"Hello po!" Kumaway sa akin ang dalawang babaeng nasa pool. I waved back and smiled.

"Hi!" Sakto naman ang pagdating ng aming yaya na may dalang tray. Inilapag niya ito sa katabing lamesa.

May cheesecake doon at iced tea, tatlong saucers at kutsarita. Lumingon ako sa kapatid ko. Why is she quiet?

"Kain muna kayo." Pag-aya ko sa mga ito. Agad naman silang umahon sa pool.

"Hi, I'm Jasleen po. And this is Shen." Pagpapakilala ng naka-pink na two piece. Chinita ito at maikli ang buhok. She looks like a Chinese. Ang ipinakilala naman nito na Shen ay may suot na swiumsuit at shorts. Maputi ang kutis at mahaba ang itim na itim na buhok. I smiled at them again.

"I'm Dionne. Trisha's big sister." Sabay na tumango ang dalawa sa akin na may ngiti sa mga labi.

"You're so pretty po, Ate!" Both of them exclaimed. I chortled.

"Can we go to the restroom muna po?" Paalam ni Tinny. Tumango ako agad at itinuro ang restroom na katabi ng pool.

"Pagbalik namin sumama ka na magswimming, Trisha, ha? Mas masaya kapag tayong tatlo na." Sabay pa silang tumakbo papunta sa restroom.

I faced my sister.

"Who are those?" I asked. Ang nakalugay nitong buhok ang akin pinagdiskitahan. I braided it.

"Mom told me to hang out with them. Magandang impluwensya daw sila sa akin, Ate." Kwento nito. "Nagulat na lang ako nandito sila."

"They seem nice." I told her. Kinuha ko ang aking pamusod at inilagay sa kanyang buhok. Walang masyadong kaibigan ang kapatid ko. I don't know why. Madaldal naman ito at masayahin.

"Kinakaibigan lang naman nila ako kasi sinabi ni mommy. Wala akong kaibigan talaga sa school, ate, kasi feeling ko ginagamit lang naman nila ako."

Nagulat ako sa kanyang sinabi. Hindi ako agad nakahuma.

"Trisha, what made you think of that?" I asked her. My brows furrowed.

"Ganoon naman talaga. They're nice to me when they need something. Kapag wala na, hindi na nila ako pinapansin." She said. Naawa ako bigla sa aking kapatid.

"I miss my old friends. My old school." Kwento pa nito. Nilipat kasi siya ni mommy ng school ngayong 2nd year because mom found out that she's skipping classes.

"Why don't you try to be friends with Jasleen and Shen?" I asked her. Tumitig lang ito sa akin.

"They may be here because of mommy, but isn't it their decision to make friends with you?" I asked her. "I can see that they're trying to reach out to you."

Make Me Yours (Lost Star)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon