Route 56

2.7K 71 8
                                    

No proofread yet. Thank you for adding MMY in your libraries! ❤️

- -

"To the new CPAs, cheers!"

"Cheers!"

The clinking of the glasses echoed in my ears along with the loud music inside the club we're at. The lights kept on dancing with the beat. Medyo madilim din sa paligid dahil sa usok.

"Congrats, Dionne!" Gio, who's standing beside me said as he leaned closer to my ear. Inilapit nito ang kanyang baso sa akin. We shared a toast as I smiled at him.

"Thanks!" I said in a louder voice and drank the remaining liquor in my glass. Pumikit ako nang gumuhit ang init sa aking lalamunan.

Inilapag ko iyon at inilibot ang tingin sa aking mga kasama na nagsisimula na magsiupong muli.

"I'm gonna go for a dance!" Keana said as she drank another shot. She grinned at us before she ramped her way to the dance floor. Agad namang sumunod sa kanya si Adi, Ella at Monica.

I sat beside Gio who's busy talking to Steve and Mico. Napangiti ako habang pinagmamasdan sila. Nagsama-sama kami ngayong gabi para magcelebrate dahil pumasa kami sa board exam.

My circle of friends got bigger as time passed by. Si Adi at Lani na nakasama ko noong internship at ang mga kaibigan ni Gio ay naging kaibigan na rin nila Keana. Ganoon din naman sa mga nakasama nila noon. I can't clearly remember how it happened but we all became really close.

Bumaling ako sa aking tabi at doon naman nagtatawanan si Lani, Irish, Pat at Eula habang nakaturo sa dance floor.

Tinunton ng aking mga mata ang kanilang pinagtatawanan at doon ko nakita si Keana na sumasayaw sa harapan ni Adi na sinasabayan din naman ng huli. Napangisi ako't napailing sa ginagawa ng dalawa.

I poured myself a glass of whiskey and drank it bottoms up. Napangiwi ako ng bahagya sa tapang noon. I was about to pour another shot when a hand stopped me. Lumingon ako sa may-ari n'on.

"Gonna get drunk tonight?" Gio asked. Napansin ko pa ang ginawa nitong paglayo sa bote na ikinakunot ng noo ko. "Don't drink too much. You still need to drive home later."

Napanguso ako sa sinabi nito. Nang tumingin akong muli dito ay nakangiti na ito sa akin dahil alam niyang tama siya.

"I'll order something else for you." I sighed and nodded. Sumandal ako sa couch na kinauupuan namin at doon ko naramdaman ang braso nitong nakapahinga doon.

Hinayaan ko itong tumawag ng waiter at umorder para sa akin. Napalingon naman ako sa aking tabi nang maramdaman ang titig ni Eula. Nakangisi ito sa akin na ikinakunot ng aking noo. She tilted her head a little na agad ko namang naintindihan.

She suddenly stood up while holding her phone.

"Where are you going?" Mico asked.

"I'm just gonna call your friend. Baka bigla 'yong lumipad pabalik ng Pilipinas." Sagot nito at umalis sa aming table. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makitang lumabas ito.

I waited for my drink to be served before following Eula outside.

Nang makalabas ako ng club ay agad akong nakahinga ng maluwag. The smell of cigarettes inside suffocate me. Inikot ko naman ang aking paningin sa parking at agad na nakita si Eula na nakatayo sa gilid ng aking kotse. She was holding her phone on her ear. Lumapit ako dito nang kawayan ako nito.

"I'll call you again when I get home... I love you, too." Eula said before hanging up. Bumaling ito sa akin nang maibaba na nito ang telepono.

"How's Owen?" I asked her. Owen's in Singapore for a month now because of their business. Ito ang ipinadala ng kanyang ama para tapusin doon ang isang business deal.

Make Me Yours (Lost Star)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن