Route 54

2.7K 65 3
                                    

It's been so long. Enjoy. :)

-

It was still raining when we left Tagaytay. I was quiet the whole ride. Hindi nagtanong si Eos pero alam kong ramdam niyang may mali sa akin. Hinayaan lamang niya ako.

It's not about what happened between us. Hindi ko iyon pinagsisisihan. I have zero regrets. I gave myself to him because I love him. It will always be him. And I will only do it with him and no one else. Only him.

Natakot lamang akong magsalita noon dahil baka mabasag ang aking tinig. I was keeping myself from crying. Pinilit ko ring matulog na lamang para mapigilan ang aking sarili sa pag-iyak.

To: Eos Martinez

I can't tonight, Eos. I need to stay late at work. I'm sorry.

It's been four days since that night. He texts and calls. Pero naging madalang na ang pagsagot ko sa mga iyon. Hindi siya nagtatanong. Pero alam ko na alam na niyang may mali.

He's being silent about it. He's being passive.

From: Eos Martinez

I understand. Text me when you get home.

I dried my tears as they started streaming down my face again. Naghugas ako ng kamay bago lumabas ng cr. Inayos ko ang aking sarili bago humarap sa mga kaibigan ko.

"Hindi ka pa ba uuwi, Dionne?" Adi asked. Hinarap ko ito at inilingan.

"I need to finish this today." Sabi ko at ininguso ang aking desktop. At least I am not lying about staying late at work.

"Apple of the eye ka talaga ni ma'am." Naiiling na saad ni Lani. Tipid ko itong nginitian.

Patong patong ang ibinigay na trabaho sa akin ngayong araw. Dalawang account na lang naman pero kakaumpisa ko pa lang. I have no choice kundi mag-OT at ang supervisor ko ay nandito pa.

"Osiya, mauna na kami." Tumango ako sa kanilang dalawa. They waved goodbye before leaving.

Hinarap kong muli ang trabaho ko. Mas okay na sa akin na may ginagawa kaysa sa kung anong bagay pa ang isipin ko. I need to be occupied or else I will burst into tears.

I took my time finishing my task. Hindi ko na napansin na pasado alas siete na nang matapos ako. I e-mailed the file to our supervisor before fixing my things.

Iilan na lamang kaming naiwan sa department. Bukod sa akin ay may apat na tao pang nandoon. Bago ako umalis ay kumatok muna ako sa office ng aming supervisor para magpaalam.

"Ma'am, I already sent the file to your e-mail." Magalang kong sabi. Nag-angat ito ng tingin mula sa kanyang laptop.

"Oh, yes. Thanks, Dionne. You can go home now." Ngumiti ako dito bago lumabas ng kanyang opisina.

I was looking for my keys inside my bag when the elevator opened. I was about to go out, thinking that it's already the ground floor, when my body hit something hard. I stumbled but a pair of strong arms kept me in place.

"Woah there." I heard him chuckle. Nang mag-angat ako ng tingin ay isang pares ng kulay asul na mata ang bumati sa akin.

"Sorry, Gio." Hinging paumanhin ko dito. Tumayo ako ng maayos at gumilid para makapasok ito.

"It's okay." He smiled. Tumayo ito sa tabi ko. Kaming dalawa lang ang nasa loob ng elevator. The door closed again and I saw him looking at me from our reflection. "May pupuntahan ka ba sa department namin?"

Napailing ako at tipid na ngumiti dito.

"Akala ko kasi nasa ground floor na." Sagot ko. Ngumiti ito at tumango. He then looked up to where the numbers are flashing, indicating the floor we're in.

Make Me Yours (Lost Star)Onde histórias criam vida. Descubra agora