Route 18

2.9K 90 7
                                    

Hindi ko alam kung paano kikilos sa harap ni Eos pagkatapos ng kanyang sinabi. Pakiramdam ko ay lalo lamang dumami ang gumugulo sa aking isip.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.

"E-eos, I..." He sighed. Maybe he felt how tensed I am.

"Empress, it's not a question so you don't need to answer anything. I don't want you to think too much about this. I'm not rushing you." He caressed my cheek gently. Ang bilis ng tibok ng puso ko. "Nothing will change between us after this, yeah?"

Kahit papaano ay kumalma ako sa kanyang sinabi. I nodded my head. Nginitian ko siya. Mukhang nakuntento naman siya at nginitian ako pabalik. He kissed my hand again before standing up.

Hindi niya inalis ang tingin sa akin. He bit his bottom lip to prevent himself from smiling. Tumingala siya ay nagpakawala ng hininga.

"So this is how it feels like to confess." I heard him say before he chuckled. Napailing pa ito bago ako tinalikuran at bumalik sa pagpasok ng mga beer sa ref.

I stared at him. I know in myself that I like him. Maybe it's even more than that but something is stopping me from it. It's like it's... forbidden.

I calmed myself down. I chose to clear my mind and enjoy this short vacation.

Talking to Eos somehow gave me assurance. Napanatag ako kahit papaano. I trust him so much and I don't even know why I do. I believe in him more than in myself.

Bumaba kami nang tumawag si Eula na handa na ang pagkain. Wala kaming balak gawin ngayong gabi dahil maaga pa kaming gigising bukas. Pagod din kami sa mahabang biyahe kaya pagkatapos kumain ay nagpahinga na rin kami.

Pinakitunguhan ko si Eos ng normal tulad ng kanyang sinabi. I can see how happy he is while he mingles with everyone. Panay ang kanyang ngiti.

Mas naging komportable ako kinaumagahan. It's like something was lifted up inside me. Pero hindi nawala iyong pakiramdam ko na parang may pumipigil sa akin. I ignored it and decided to just have fun.

Alas otso nang sumakay kami sa glass boat na nirentahan namin. Ang sahig nito ay gawa sa salamin kaya kita ang kung ano ang nasa ilalim. Dala dala na namin ang pinaluto namin sa casa para sa aming lunch mamaya.

I wore a white bikini top and white swimshorts. Nagsuot muna ako ng isang manipis na floral shirt para itago iyon hindi tulad ni Keana at Eula na nagsuot lamang ng silhouette. Nakatirintas ang buhok naming tatlo. Ang kay Keana, dahil maikli ang kanyang buhok ay may tatlong maninipis na tirintas iyon sa kaliwang bahagi. Si Eula ay naka-Dutch braid. Ang sa akin ay simpleng loose French braid naman.

"Thanks." I smiled at Eos who's wearing a green fitted shirt. Nakahubog iyon sa kanyang mga braso at medyo yumayakap sa kayang katawan. Kitang kita ko ngayon ang ganda ng kanyang pangangatawan. Hindi ko makita ang kanyang mata dahil sa wayfarer na suot. Inalalayan ako nito sa pagsakay ng bangka. He sat beside me after.

Hindi nagtagal ay pumalaot na kami. Tuwang tuwa ako sa tubig. Asul na asul ang kulay nito at napakalinis. I dipped my hand. The water is warm.

"Ay!" Napapikit ako nang may tumalsik na tubig alat sa aking mukha dahil sa malaking alon na sinalubong ng bangka. I tried to wipe it with my hand. Nakalimutan kong basa rin iyon kaya lalo kong hindi maibukas ang aking mga mata.

"Let me." Dinig kong sabi ni Eos. Bigla na lang akong may naramdaman na pagdampi ng isang bagay sa aking mukha. He wiped my face dry. "There."

Pagmulat ko ay ang ngisi ni Eos ang agad kong nakita. Hindi ko naiwasan ang pamulahan ng mukha. He just chuckled though. Napailing ako bago umiwas ng tingin para itago ang ngiti.

Make Me Yours (Lost Star)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon