Route 47

2.5K 76 2
                                    

"Dionne, lunch?" Mula sa mga papeles na aking binabasa ay nag-angat ako ng tingin. Agad na tumambad sa akin ang mukha ni Lani.

I looked at the wallclock before nodding at her. It's already past twelve. Hindi ko man lang iyon napansin.

"Oh, okay." Inayos ko muna ang mga gamit sa desk ko. I also saved the file I'm working on before closing the desktop. I stood up. I took my bag with me before walking with Lani towards the door. Nandoon naman nakatayo si Adi na busy sa cellphone nito.

"Tara na?" Tanong nito nang makalapit na kami sa kanya habang tinatago sa bulsa ang hawak na phone.

"Where to eat?" Lani asked while we're waiting for the elevator. Kumapit ito sa akin pero kay Adi nakatingin.

"Sa tabi na lang. I'm craving for pasta." Sagot naman nito bago tumingin sa akin. "Is it okay with you, Dionne? May mga rice meals din naman doon."

"Pasta is fine with me." Sagot ko na tinanguan nito.

It's been a week since our OJT started. Dito ko na nakilala si Lani at Adi sa Makati. They both came from the same university but from different section. Pero kahit na ganoon ay magkakilala na talaga sila. Si Eula kasi ay pumasok sa company kung saan tinapos ni Owen ang kanyang internship habang si Keana ay sa BGC.

Hindi naman ako nahirapan na makipagkaibigan sa kanila. Si Lani ay parang si Keana na binawasan ng kaartehan. Si Adi naman ay nakakatuwang kasama. They're both nice, too.

"Mas gusto ko na talaga na mag-aral kaysa magtrabaho. Ang hirap pala!" Reklamo ni Lani. She sipped on her iced tea before she slacked her body on her seat. "Buti sana kung may inspirasyon! Wala man lang eye candy sa department natin! Tayong tatlo nga lang ang wala pang kulubot doon." Patuloy nito sa pagrereklamo. I chuckled.

"Wala kang karapatang magreklamo at hindi naman sila nagrereklamo sa pagmumukha mo." Komento ni Adi. Agad na sumimangot si Lani at malakas na hinampas ito sa braso.

"Uma-attitude ka na naman Zaldeo!" Agad na napangiwi si Adi nang marinig ang pangalan at kunwari'y kinulabutan.

"Gosh! Magmumog ka nga ng holy water!" Tinulak nito si Lani na ikinatawa ko. Tatawa-tawang umayos ito ng upo.

"Arte mo, bakla!" Nakatawa pa ring sabi ni Lani. Adi is a closet gay. Kung siguro nandito si Keana ay hindi niya ito titigilan hanggat hindi maging lalaking muli. Adi is tall and handsome. Kung ihahanay ito kay Eos, Mico, Fritz at Owen ay hindi ito nalalayo. Hindi mo naman mapapansin ito kung hindi mo ito maririnig magsalita sa harap ng kanyang mga kaibigan kaya hindi pa rin maiwasan ng ibang babae na magkagusto dito.

Nang dumating na ang order namin ay medyo natahimik sila. Mga limang minuto lamang siguro bago sila nagkwentuhan na naman. Paminsan-minsan ay sumasali ako.

"Oh my gosh." Impit na tumili si Lani at kumapit sa braso ni Adi habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain. Nahulog ang pasta na nasa tinidor ni Adi dahil sa pagyuyog nito. "Omg! Girl!"

"What?!" Naiiritang tanong ni Adi. May ininguso naman si Lani sa aking likod na sinundan ng tingin ni Adi na agad na nagningnin ang mga mata.

Napakunot ang noo ko at tumingin din sa kanilang tinititigan sa aking likod. There I saw four men entering the restaurant. Nagtatawanan ang mga ito at hindi alintana ang paligid.

"Stevie said that Gio has a crush on you, Dionne." Bulong ni Lani. Doon nabalik ang tingin ko sa kanya.

"Paano mo naman nakausap si Stevie?" Nakataas ang kilay na tanong ni Adi dito. Lani shrugged.

"We met at a bar. Nakapagkwentuhan kami ng konti." Sabi nito. Tinanguan naman ito ni Adi at agad na bumaling ulit sa akin si Lani.

"Don't you think he's hot?" Bulong ulit nito habang pasulyap na sinusundan ng tingin ang grupo ng mga lalaki.

Make Me Yours (Lost Star)Where stories live. Discover now