Route 59

3.4K 79 1
                                    

Final chapter on the next update
- -

For the past days, I'm like a criminal hiding from the law. I feel like I committed a crime close to murder. I know that I really made a mistake or a sin at that.

I never had a decent sleep since then.

Bumigay ako. At sobrang mali iyon kung iisipin. Pero iba ang isinisigaw ng puso ko. Sinasabi nito na tama lang ang ginawa ko.

Sa aming dalawa, alam kong ako ang mas may control sa sarili. Noon pa ma'y si Eos na ang nagpipilit ng mga bagay. He always gets what he wants. He's painfully stubborn and I always act as the mediator. At sa ginawa kong pagtugon, sigurado akong hindi niya iyon palalampasin. Ang lahat ng pangungulila ko sa kanya ay ibinuhos ko sa halik na iyon and I know that he felt that.

I just pulled his last string.

I thought I was the only one holding on. But it seems like his grip was stronger than mine. Dahil ako, nakakapit ako hindi dahil gusto ko. Kundi dahil iyon ang isinisigaw ng puso ko. Pero siya, nakakapit siya dahil gusto niya at iyon ang gusto ng puso niya. Hindi siya lumaban. Hindi tulad ko na pilit na nilalabanan ang pagmamahal ko sa kanya kahit na ilang beses na akong natalo.

I am still the same girl who doesn't deserve him. Hindi ko pa rin siya kayang ipaglaban.

At ngayo'y takot na takot na akong makita itong muli. Dahil baka ipagkanulo ko na naman ang sarili ko. Gugulo na naman ang lahat.

I took my wallet and went out of our building. Bumaba ako sa drugstore para bumili ng gamot. My head hurts like hell. Dahil siguro ito sa kakulangan ko sa tulog nitong mga nakaraang araw. I should stop thinking about it.

Pagkatapos ko sa drugstore ay naglakad ako ng kaunti papunta sa coffee shop. I need to stay awake. Marami akong kailangang tapusin na trabaho ngayong araw.

"Iseserve na lang po sa inyo, ma'am." I nodded at the cashier. Kinuha ko ang binigay nitong number at naghanap ng bakanteng pwesto.

I took the one near the window. Walang masyadong tao sa cafe.

"Water niyo po, ma'am." Mula sa panonood ng mga dumaraang sasakyan ay nag-angat ako ng tingin sa waiter. Inilapag nito sa harap ko ang hiningi kong tubig. "Five minutes pa po ang coffee niyo."

"Thanks." Nginitian ako nito at nagpaalam na.

Kinuha ko ang gamot at ininom iyon. Pero pagmulat ko ng mga mata ay halos ubuhin ako.

Eos was sitting on the table in front of me and he's looking at me like I owe him big.

Pakiramdam ko naman ay isa akong kriminal na nahuli na ng awtoridad.

His dark eyes penetrated my soul, taking my breath away. Umiling ito na para bang sobrang disappointed sa akin. Napanganga ako.

He stood up. At doon ko lamang napansin ang suot nito. He's wearing an emerald green longsleeves inside his black coat at wala na ang kanyang arm sling. Naka-slacks din ito. He looks so formal.

Umupo ito sa kaharap kong upuan at pinakatitigan ako bago umiling. Ano'ng problema niya? Napahinga ako ng malalim. Should I just stand up and leave?

"Uhm..." I shifted on my seat. "Is your arm okay now?" I asked without looking at him.

I just can't brush off the fact that he was injured a week ago because of me. Gusto kong kurutin ang sarili ko. Dapat umalis na lang ako!

"It's fully healed now. But I needed to work double time because of all the pending paperworks and postponed meetings." Sagot nito na parang normal lang na magkwento ito sa akin.

Make Me Yours (Lost Star)Where stories live. Discover now