Route 21

2.6K 56 5
                                    

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa dumating na ang aming order at napangalahati na iyon. Walang nagsasalita sa amin mula kanina.

The deafening silence is making me uncomfortable despite the cozy ambiance and relaxing aroma of coffee. I want to speak but I don't know the right words to say to her.

Sophia is just sipping on her coffee. Sa labas ng bintana ito nakatingin at hindi sa akin. Kalmadong kalmado siya. Typical Sophia. She's always composed and collected.

"So it's you."

Napa-angat ako ng tingin sa kanya nang basagin niya ang katahimikan. She placed her coffee on the table amd leaned on her chair. Her expression is unreadable. Kahit na ganito ay maamo pa rin ang kanyang mukha. Umayos din ako ng upo.

Hindi ako nagsalita dahil hindi ko alam ang aking sasabihin. Alam kong ako ang mali sa aming dalawa. She tilted her head to the right and eyed me. Her arms are crossed below her chest. I'm not intimidated but the guilt's eating me whole.

"Look, Sophia, I'm sorry. I'm sorry for not telling you about Eos." I started. Natigilan ako dahil hindi ko alam ang isusunod doon. Bumuntong hininga siya.

"Tell me, Dionne. What am I thinking right now?"

Napakunot ang aking noo sa kanyang tanong. What she's thinking right now? Well...

"I know you're mad at me-"

"Very." Putol nito sa akin. I bit my lower lip and nodded.

"I understand."

"You made me look like a fool, Dionne. Was it fun hearing my unrequited love for him?" Mabilis akong umiling.

"What? No!" Lalo akong kinakain ng guilt dahil sa kanyang mga sinasabi.

"Sabagay. Paano mo nga ba sasabihin sa isang tao na ikaw ang gusto ng taong mahal niya?" Hurt crossed her eyes. She took the cup and drank from it. Nag-iwas siyang ng tingin. Wala naman akong masabi. How am I gonna comfort her?

Silence enveloped us again. I know that we're not done yet. Wala naman akong balak na itanong sa kanya kung gaano na sila katagal magkakilala ni Eos o kung gaano kalalim ang kanilang pinagsamahan. It's like putting salt on her open wound and opening my own wound. But there's one question...

"Why don't you fight for him, Sophia?" I asked. Tinitigan niya ako.

If she really loves Eos, bakit hindi niya ipaglaban? It's not a losing battle if you ask me. Sophia's sweet, smart, responsible, kind, and confident. Kayang kaya niyang dalhin ang kanyang sarili. Maybe that's one reason why we didn't clicked. She brings out all of my insecurities.

Habang tinitignan ko sila kanina ay hindi mawala sa aking isip na bagay silang dalawa. Eos is comfortable with her around. And they obviously care for each other.

Wala ba talagang nangyaring pag-iibigan sa kanilang dalawa?

"I don't mind a fight with you, Dionne." She said. "But Eos' happiness is what matters to me."

She's too calm. But I can clearly feel her anger for me under her skin. Ang matatalim niyang titig ang patunay.

"How about you? Can you fight for him?"

Napatuwid ako ng upo sa kanyang tanong. I directed my eyes on her. Hindi ko alam pero binundol ako ng matinding kaba. Parang hindi tama na nagkape pa ako ngayon.

Why is she asking me this anyway? May balak ba siya? Is she gonna ask me to stay away from him? To leave him alone? Na ipaubaya ko sa kanya si Eos? Dahil siya ang nauna?

Make Me Yours (Lost Star)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon