Route 57

2.7K 70 4
                                    

Things really come when you least expect it. After Mrs. Garcia checked my work, she immediately gave me three more of her clients. I already met two and gained their accounts after some meetings to fully get their trust and approval.

I was happy and thrilled but pressured at the same time.

I haven't met the third client she was talking about. Ang sabi nito'y matalik niya itong kaibigan. When she tried to set up a meeting for us, kasalukuyan itong nasa labas ng bansa. Pero sinabi nito na uuwi ang anak nito na siyang makakausap namin.

Napapangiti pa rin ako ng mapait kapag naiisip kung paano nga naman maglaro ang tadhana. I thought it was done playing its tricks on me but I was wrong.

"Baby, don't eat that!" Pigil ko kay Kiel nang malingunan ko ito na nginangata ang isang piraso ng papel.

Nanlalaki ang mga matang napatitig ito sa akin bago humagikgik. He looked at the card and wiped it off using his bib before giving it back to me na ikinangiti ko.

Kaming dalawa lamang ang naiwan sa bahay ngayon. Linggo kung kaya wala ang kanyang nanny. Mom and Dad went out to meet someone habang si Trish ay umalis naman para gumawa ng project sa bahay ng kaklase nito kaya kaming dalawa lamang ni Kiel ang natira sa bahay.

I took the card from him at inilapag malapit sa aking laptop. Tinitigan ko iyon at hindi maiwasan na makaramdam iba't ibang emosyon sa pagtingin lamang sa pangalan ni Eos na nakalagay doon.

It's his calling card na iniabot sa akin ng secretary ni Mrs. Garcia last week. Ipinaabot nito sa akin ang impormasyon na nakabalik na ito ng bansa ngunit hanggang ngayon ay hindi ko ito magawang tawagan para makapag set up ng meeting.

Gusto kong tanggihan si Mrs. Garcia sa account na ito pero nahihiya ako. Una ay wala akong maibibigay na dahilan dito at pangalawa ay ayokong biguin ito. My superiors have high expectations from me. I can't disappoint them. I have to be professional and take this.

Ang hindi ko alam ay kung kakayanin ko ba.

I lived for two years avoiding every possible thing that may remind me of him. Ayoko ng nararamdaman ko kapag naaalala ko siya. It's just so sad and... painful.

I was afraid that I might just cry and breakdown.

Inaamin ko na nasasaktan pa rin ako. Hindi para sa sarili ko... kundi para sa aming dalawa. Na kinailangan naming isakripisyo ang isa't isa. But I already accepted it... the pain.

And I hate getting used to it for it makes me feel numb all over.

The only consolation I always give myself is that we chose the right choice. My family is happy and I hope for his family's happiness and his happiness, too.

Pero sa ngayon... alam ko sa sarili ko na hindi ko pa rin siya kayang makitang muli for it will just stir so much emotions in me that will bring chaos inside my being again.

"Ma." Kuha ni Kiel sa atensiyon ko. He was pointing at his feeding bottle na nasa loob ng kanyang crib kaya agad akong tumayo at ibinigay iyon sa kanya. Nang matanggap naman niya ito ay agad siyang lumayo sa akin at gumapang papunta sa kanyang playing mat at doon humiga.

Binalik ko na lamang ang atensyon sa aking laptop upang ipagpatuloy ang trabaho. Nakaupo lamang ako sa lapag ng play room ni Kiel at may maliit ang study table sa harapan kung saan ko ipinatong ang laptop at mga papeles para mabantayan ito habang nagtatrabaho.

I can say that he's our family's happy pill. Our bond became more intact nang dumating ito sa amin. He brought life and happiness to our family. Especially to me. He's my angel. Kapag nakikita ko siya ay nakakalimutan ko ang lahat ng sakit. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako nagsisisi sa ginawa kong desisyon noon.

Make Me Yours (Lost Star)Where stories live. Discover now