Route 6

3.6K 139 9
                                    

Can this moment get more embarrassing than it is now?

Halos ipukpok ko na ang ulo ko sa lamesa. Hiyang hiya na ako kay Eos dahil sa kalokohan ni Keana. She's freaking drunk.

"So you're D's suitor?" Keana asked for the nth time. Si Eos ay nakangiti lamang mula kanina at sumasagot ng walang sawa.

"Ugh... no."

Nakaupo ito sa aking tabi. Pinagigitnaan namin siya ni Keana. Sa tabi ni Keana ay si Mico na tahimik. I don't know if he's already drunk or what. Hindi pa rin ito tumitigil sa pag-inom. It's so not him...

Si Eos ang kumuha ng tubig para mahimasmasan ako kanina. Nakatulong naman iyon dahil ramdam na ramdam ko ngayon ang hiya. Hinatid niya ako dito sa table namin. Doon siya nadatnan ni Keana at hindi na tinigilan.

"You're her boyfriend?" She asked. Inosenteng nakanguso ito kay Eos habang namumungay na ang mga mata.

"M.U?" Hindi sumagot si Eos. "Hmm... FuBu?"

"Keana!" I hissed. Pulampula na ako. Humagalpak sila ng tawa.

"I didn't thought Dionne's into things like that..." she trailed off. Para itong nag-iisip talaga.

Hindi siya binabawal ni Eula. Tuwang tuwa pa ito sa ginagawa ni Keana ngayon. Maging si Owen ay ngising ngisi. She even told me, right in front of Eos, that I deserve this for not telling them about him. I sometimes really doubt it if they're my friends.

Eos chuckled. Napapangiwi na ako kay Keana. Is she really always like this when drunk?

"I'm gonna get some water for her." Tumayo ako.

Tumawa si Owen at Eula. I shook my head. I was about to walk when someone grabbed my arm. I looked back.

"I'm coming with you." I nodded at Eos. Mas okay iyon kaysa maiwan siya kay Keana.

He placed his hand at the small of my back. Iginiya niya ako sa dagat ng mga tao papunta sa bar counter. The heat of his palm makes me a little uncomfortable.

"A glass of water, please." Sabi ko sa babaeng bartender bago hinarap si Eos.

"Pasensya ka na sa kaibigan ko." I said. Mas maingay sa parteng ito ng bar kaya kailangan kong sumigaw. Kinagat nito ang labi. Halatang nagpipigil ng ngiti. Napasimangot ako.

He leaned towards me. His hot breath fanning my ears.

"It's okay..."

Lumingon ako sa kanya. Sakto iyon sa kanya ring paglingon. Halos maduling ako sa lapit niya sa akin. I can smell a mix of alcohol and mint from him. Humalo iyon sa kanyang pabango. Ang abo niyang mga mata ay direktang nakatingin sa akin.

"Where are your friends? Baka hinahanap ka na." Tumayo ako ng maayos. I heard him chuckle.

"They went bar hopping. So... you're liable of me now."

Kumunot ang noo ko. I was just looking at him. Naputol lamang iyon nang ibigay na ng bartender ang order ko. He took it before I did.

"Let's go back to your friends." A playful smile is plastered on his lips. Sumimangot akong muli.

"You're enjoying this, aren't you?" Halos magmaktol na ako nang tawanan ako nito. He took my hand and pulled me with him.

Nang makabalik kami sa table ay nandoon na si Fritz. Katabi ito ni Keana ngayon. Si Mico ay nakahilig sa couch at nakapikit. Ang magkasintahan naman ay nagbubulungan.

"Here you go." Inilapag ni Eos ang tubig sa harap ni Keana. Pinauna ako nitong umupo bago siya.

"Fritz! That's Eos, D's boyfriend." Hinila hila pa ni Keana ang manggas ni Fritz. Ang huli ay lumingon sa amin.

Make Me Yours (Lost Star)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon