Route 3

4.5K 108 6
                                    

Pagkatapos ng huling klase namin ngayong araw ay tumungo agad kami sa library. Midterms is already approaching. Mabibigat na ang mga subjects namin dahil 3rd year na kami.

"Wala ba talagang paraan para mamove ang midterm? Shit. Feeling ko susuko na ang utak ko." Reklamo ni Keana pagkaupo namin sa isang lamesa. Ibinaba ko ang lahat ng gamit doon.

"Magreview ka na lang kaysa ipanalangin mong mamove." Komento ni Eula na nagbubukas na ng libro. Keana pouted. Padabog nitong kinuha ang libro at nagsimula na ring magbasa.

I did the same. Sinumulan kong basahin ang chapter na pinakamahina ako. It's more convenient for me to study with Keana and Eula. Kapag kasi may hindi naiintindihan, we discuss about it hanggang sa maintindihan naming tatlo.

Kumunot ang noo ko nang may makitang isang illustration. Mabilis ang ginawa kong pagkapa para sa aking calculator. Umikot ang paningin ko sa aming table nang hindi ko iyon mahawakan.

"Where's my calcu?" I asked them. Si Eula lamang ang nag-angat ng tingin.

"Wala ka yatang dala kanina, D."

Tumango ako sa kanya. Tumayo na ako para kunin ang calcu ko sa aking bag. Nakalimutan ko siguro kanina. I don't want to borrow Keana's or Eula's dahil makakaabala lang ako kapag ganoon.

Pagdating ko sa counter ay walang student librarian. Sinilip ko ang librarian pero wala ito sa kanyang pwesto. Pipindutin ko na sana ang bell pero may biglang sumulpot sa aking harapan.

"Hi!" The upward curve on his lips is very evident. Why is he here? Oh, right. Because of his violation, according to Ate Noah.

"Oh, hi!" He leaned on the counter. Ang huli kong pagkakita sa kanya ay noong ibinalik niya sa akin ang aking libro. That was.... two weeks ago, I guess?

"You need anything?" He raised a brow. His smirk still plastered on his face.

"Ah, yeah. My bag." I answered.

"Which one?" He asked. Nakaharap na ito ngayon sa shelves.

"Iyong nakalagay sa number 14." Itinuro ko iyon kahit hindi naman niya nakikita. He took it and gave it to me.

"It's been a while." He said. I nodded.

"Yup. Ngayon na lang ulit kasi ako naglibrary..." Binuksan ko ito agad para hanapin ang aking calculator. But it's not there.

"What are you looking for?" He asked. Napansin siguro niya ang pagkunot ng noo ko.

"My calculator. I think I left it at home though." Isinara ko na ang aking bag at inilapit sa kanya para ibalik sa shelf. I'll just use my phone then. Kahit na hindi convenient.

Ibinalik niya doon ang bag ko. Hindi ko alam kung magpapaalam pa ba ako sa kanya na babalik na ako sa table namin o hindi na. It's rude to just leave, right? So I waited for him.

Mukhang nagulat pa ito na nasa harapan pa rin niya ako pagharap niya. I smiled.

"Babalik na'ko sa table." Marahan itong tumango sa akin.

"Oh, wait." Akmang aalis na ako nang pigilan ako nito.

"Why?"

He didn't answer. Instead, he walked towards the shelf and took another bag. I think it's his. May inilabas siyang scientific calculator doon. May calculator siya?

"Use this." Alok niya. I waved my hands in front.

"No, it's okay. Nakakahiya naman..." pagtanggi ko.

"I insist. Isa pa, mas madaling gamitin 'to." Mas inilapit niya iyon sa akin. I sighed and took it.

"Alright. Ibabalik ko sa'yo mamaya. Thanks."

Make Me Yours (Lost Star)Where stories live. Discover now