Route 33

2.7K 87 9
                                    

I can't believe it. I can't believe that I'm in a relationship with Eos now. A secret relationship to be exact. It sounds so wrong but it feels so right. Gumaan ang pakiramdam ko at kahit papaano ay nakalimutan ko ang tungkol sa mga magulang ko.

Napalingon ako sa kanya nang pisilin niya ang aking kamay na hawak hawak niya. He then brough it to his lips and kissed the back of my hand. Namula ako sa kanyang ginawa. May kung anong kuryente ang dumaloy sa aking kamay hanggang sa aking buong katawan. Napangiti na rin ako nang masilayan ang kanyang ngiti.

I will never get tired of seeing those lips curve upward.

We're inside his car right now. His left hand is holding the steering wheel while the other is holding my hand. Mula kanina ay hindi pa niya iyon binibitawan. He's kissing it from time to time that makes me feel butterflies in my stomach.

"I don't want to go home yet, Eos."

Sinulyapan niya ako sandali. His forehead creased in an instant. Napansin ko kasi na ang daang tinatahak niya ay papunta sa amin. It's too early. Ayoko pang umuwi. I'm afraid that this will end the moment I see my mother.

Ngayon pa lang ako nakaramdam ng kasiyahan sa lahat ng nangyari. I don't want to go back to being lost. Takot akong mawala ulit kapag binitawan ako ni Eos ngayon. I just want to spend more time with him. To feel that this is real.

"Why? I'll park two blocks away from your house, Empress. If that is what's bothering you..." malambing nitong sagot. Umiling ako agad. He got it wrong.

"I just want to..." I trailed. Agad akong namula sa nais na hilingin. Saktong nagred light kaya napunta sa akin ang kanyang buong atensyon.

"Hmm?"

Para akong nalalasing sa bawat haplos niya sa aking pisngi. Ang malambing niyang boses ay nagpapatayo sa aking balahibo. I held his hand to stop him. Nag-iwas ako ng tingin.

"Tell me what you want."

"I want to spend more time with you..." mahinang boses na sabi ko. Hindi ko alam kung narinig ba niya iyon. Pero nang lingunin ko siya ay kagat kagat niya ang ibabang labi upang pigilan ang sarili sa sobrang pagngiti. He closed his eyes.

"You're making it hard for me to breathe, baby."

Tuluy-tuloy lamang ako sa pagpasok hanggang sa makarating ako sa kusina ng kanyang unit. Mabilis ang ginawa kong paghubad sa itim na cardigan na suot, exposing my white v-neck shirt. I hurriedly opened his fridge to get a bottle of water. Agad ko iyong nilagok habang pinapaypayan ang sarili.

Naningkit ang aking mga mata nang marinig ang kanyang pagtawa. Ilang sandali lang ay pumasok na rin siya sa kusina bitbit ang aming pagkain na nakalagay sa brown paperbag. May nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi. I glared at him.

"Have I told you how much I love you today?"

"Yes, but you didn't tell me that it was spicy!" Akusa ko dito. Pakiramdam ko ay kayang kong bumyga ng apoy ngayon sa sobrang anghang ng kinain ko. Siguradong pulampula din ang aking mukha. He chuckled, obviously enjoying it. Ibinaba niya sa island counter ang hawak bago lumapit sa akin.

"Baby, I warned you before eating it." I felt my heart do a somersault because of that endearment. Pinigilan ko ang pagngiti. He knows that it has a huge effect on me that's why he always uses it when I'm pissed.

He softly massaged my forehead. Lalo kong ipinagdiinan ang pagkunot ng aking noo dahil gusto kon panindigan na galit ako sa kanya. His lips curved again because of that.

"Maanghang ba talaga?" Malambing na tanong niya. He gently held my elbow and pulled me towards him. Inirapan ko siya. Napanguso siya. "Baby..."

Lalayo sana ako para magmatigas sa kanya pero mabilis ang ginawa niyang paghila sa akin pabalik. Ikinulong niya ako sa isang yakap. I landed on his hard chest. Sinalubong ng kanyang nakakaadik na amoy ang aking ilong.

Make Me Yours (Lost Star)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon