Route 31

2.5K 90 15
                                    

"Anak, please." Mommy held my wrist even before I can walk upstairs. Piniksi ko ang aking kamay.

Kanina pa akong walang imik dahil sa nalaman. I don't know how to react on it. I kept my mouth shut because I don't want to disrespect my parents. Baka pagsisihan ko pa ang kung ano mang lumabas sa bibig ko. My mind is in chaos and I'm afraid that I can't control it right now.

Pagod at galit ang tinging ipinukol ko kay Mommy. Nag-uumapaw ang galit sa aking dibdib para sa kanya. Now I understand why she can't marry my father. Ngayon ay alam ko na kung gaano siya makasarili para ikulong si Daddy sa ganitong relasyon at pati na rin kami. Tumingin ako sa itaas para makasiguradong wala na doon ang kapatid ko. I don't want my sister to hear anything... to know anything... I don't want to break her heart.

"Not now, Mom." That word tasted bitter in my mouth. Akmang aakyat akong muli nang hawakan na naman nito ang aking kamay. Huminga ako ng malalim para pigilan ang sarili. Nag-uumapaw sa emosyon ang kalooban ko. I know I'm going to explode anytime soon.

"Dionne, anak, let Mommy explain." Nagtutubig na naman ang kanyang mga mata. Umiwas ako ng tingin at pilit na binabawi ang aking kamay. Si Daddy ay nasa hamba ng pintuan at nakatitig lamang sa amin.

We waited for twelve midnight to come. Walang alam ang kapatid ko sa nangyari. Pinakalma ko ang sarili ko kanina bago nagpakita sa kanya. My parents did the same. As to my aunts, they acted normal.

I tried to pull my hand again. Lalong humigpit ang hawak ni Mommy doon. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong galit sa buong buhay ko. I've never hated someone. Hindi pa ako nagalit kung kanino man. And now, I don't know how to handle it.

"Let me be, Mom! I don't wanna talk because I might disrespect you and I know I will regret that after! Masasayang lang lahat ng sasabihin mo dahil sarado ang utak ko ngayon!" I hissed. Tumulo ang luha ko. Even Mommy cried. Lumapit na sa amin si Daddy at agad na inalalayan si Mommy. Pilit kong pinipigilan ang pagtaas ng aking boses dahil baka marinig ng kapatid ko pero ang iyak ni Mommy ay baka marinig niya.

"I don't want my sister to know anything about this. Just please..."

Mabilis ang ginawa kong pag-akyat. Dinig ko ang pagtawag ni Daddy sa akin pero hindi ko sila nilingon. I need to get away from them. Gusto kong sumigaw at isisi ang lahat kay Mommy. Ang dami kong gustong sabihin pero ayokong saktan siya. I don't want to hurt her just because she is hurting us. It doesn't work that way. I will just hurt myself more if I do that.

They fed me up with lies. Ang akala kong simpleng alitan ay mali pala. My aunts have all the rights to loathe her. She's selfish. She's a liar. Alin pa kaya ang kasinungalingan sa mga sinabi nila sa aming magkapatid? I am sure that I won't trust anything that'll come out from their mouths from now on and it's breaking me. I love my parents. I love my mother but there's only a thin line between love and hate. I don't wanna hate them. I don't know how to stop this.

Kinuha ko ang aking bag at nagmamadaling lumabas ng aking kwarto. Pati ang bawat hakbang ko pababa ng hagdan ay mabibilis. Ayoko silang makita. I've been avoiding them since that night. Ilang beses na rin nilang sinubukan na kausapin ako. I still don't want to talk to them. Kahit kailan ay hindi ko sinagot sagot ang mga magulang ko't ayaw ko pa ring mangyari iyon ngayon. I respect them too much. Alam kong pinalaki nila ako ng maayos.

I thank God that classes resume today. I need to get away from home as much as possible. Ang gusto ko ay uuwi na lang ako para matulog. I'm an emotional mess right now.

I just can't believe that what my parents have is illegal. Mali ito sa mata ng mga tao lalo na sa mata ng Diyos. Kabit niya si Daddy. Anak niya kami sa labas.

Make Me Yours (Lost Star)Onde histórias criam vida. Descubra agora