Route 58

3.1K 85 12
                                    

Sobrang bigat ng dibdib ko nang makauwi ako. It's just so painful that I literally cried myself to sleep. The last time I cried was when we broke up at hindi ko na kailanman iniyakang muli ito.

I was doing great. Pero isang sulyap lang pala sa kanya ay babalik na ang lahat ng sakit.

Hindi ako nakapasok dahil sa puyat at sa itsura ko. Magang maga dahil sa pag-iyak ang aking mga mata at hindi ko magawang bumangon. Tumawag na lamang ako sa aking superior para sabihing may sakit ako na agad naman nitong tinanggap.

Keana and Eula called me. Sorry sila ng sorry sa nangyari. Sinabi nila na babawi sila sa akin. Umoo na lamang ako. Ni hindi ko magawang mag-alala sa problema ni Eula dahil mas nangingibabaw sa loob ko ang sakit na nararamdaman ko.

I'm not really feeling well.

Mag-isa lamang ako sa bahay kasama ang ilang katulong. Mom took Kiel with her at work with his nanny. May pasok din si Trish at si Daddy. Kaya nanatili na lamang ako sa loob ng aking silid.

I was sitting in front of my vanity mirror as I play with his calling card. I kept on reading his name on it, thinking of what I should do.

Napabuntong hininga ako. Not until last night, hindi ko alam na ganoong sakit pala ang kinikimkim ko all this time. Lahat ng sugat ng nakaraan na akala ko'y naghilom na ay muli niyang binuksan.

It's too much for me to bear. And if I see him again, I'm afraid that I might not be able to restrain myself and cry right there and then.

I opened the drawer. Inilagay ko sa pinakailalim ang kanyang card bago tumayo. Lumapit ako sa aking kama at kinuha doon ang kanyang coat. Kumuha ako ng hanger at itinabi iyon sa pinakadulo ng aking closet.

Saktong pagbaba ko ay ang pagdating ni Mommy. Kiel is in her arms, munching on a biscuit. My mood suddenly lit up on the sight of him.

"Ma! Down!" Bulol nitong sabi nang makita ako. Nagkakawag ito kaya ibinaba ni Mommy. Cute itong tumakbo papunta sa akin. Sinalubong ko ito at sakto ang paghawak ko sa kanya bago siya matumba.

"I missed you, too, baby boy." He giggled when I kissed his cute cheeks. Ang bib na nakasabit sa kanyang leeg ay kinuha ko para punasan ang kanyang bibig. "Did you had fun?"

"Yes!" Sagot nito. Natawa ako dahil sa ka-cute-an nito. Kiel is only one year old but he's smarter than the kids the same age as his.

"Are you feeling better now?" Tanong ni Mommy sa akin. Humarap ako dito habang karga ko si Kiel at tumango. "Ibigay mo na si Ezekiel sa nanny niya para mapalitan ng damit."

"Ako na po, Mommy." Sabi ko dito. Patakbo kong tinungo ang hagdan na ikinatawa ng sobra ni Kiel. "I love you so much, my little ball of sunshine."

Kinabukasan ay pumasok na ako sa trabaho. It was like I'm on autopilot the whole week. All I did was work. I kept myself busy to stop any other thoughts from coming. Kahit papaano nama'y napagtagumpayan ko iyon.

It was Saturday when Keana and Eula fetch me. Isinama namin si Kiel dahil iyak ito ng iyak at ayaw akong paalisin. Mas gusto naman iyon ng dalawa kaya heto kami ngayon at nakaupo sa sahig sa bagong condo ni Eula at nakikipaglaro sa bata.

"I thought I was just hallucinating that time because I'm wasted. So he's really there that night, huh." Keana said while playing cars with Kiel. Tumigil ito sandali at hinarap ako. I nodded my head.

Hindi na ako nagtago pa sa kanila at nagkwento nang magtanong sila kung paano ko sila naiuwi noon. Naikwento ko na rin na isa siya sa mga kliyenteng ibinigay sa akin.

"So, what's the problem?" Tanong ni Eula. "I thought your break up was a mutual decision?"

"It was..." Sagot ko na hindi ko madugtungan.

Make Me Yours (Lost Star)Where stories live. Discover now