Route 40

2.5K 65 1
                                    

Sumusukong ibinaba ko ang aking cellphone nang hindi ko pa rin macontact si Eos. Noong mga nakaraang araw ay nagriring pa ito pero ngayon ay hindi na. I am really worried now.

I tried waiting for him in his unit the other day pero hindi siya umuwi doon. I left a note on his fridge pero wala pa rin akong nakuhang paramdam mula sa kanya.

Gaano ba siya kabusy?

I decided to talk to him today. Pagkatapos ng klase ay sa garden ako nagpunta para magpalipas ng oras. His class will end at six o'clock and it's only five in the afternoon. Matiyaga akong naghintay ng oras. I busied myself by reading auditing theories and answering some problems.

It was quarter to six when I stood up and walked towards the direction of their building. Iilan na lamang ang mga tao sa campus dahil pagabi na. Ang mga light posts ay nakasindi na rin para magbigay liwanag sa paligid. I stopped in front of their room. Nakabukas na ang pintuan at iilan na lang ang tao sa loob.

Ngumiti ako sa mga bumaling sa akin pero hindi nagsalita. Siguro'y nagtataka kung bakit ako nandito. I'm not that sure if they know who I am and if they know anything about Eos and I. Isa kasi sa mga pakiusap ko iyon kay Eos. Because news travel faster than light.

I scanned the room but Eos wasn't inside.

Umalis na siya?

Napabuntong hininga ako. I tried to look for a familiar face. Maybe his friends know where he is. Ang unang hinanap ng mga mata ko ay si Sophia pero wala na rin siya sa loob.

"Dionne?" Mabilis akong lumingon sa tumawag sa aking pangalan.

"Sophia." I smiled at her. Tipid naman niya akong nginitian bago lumapit sa akin. May bitbit siyang ilang libro. Her hiar is tied up in a bun at may suot din itong reading glasses. She's really beautiful.

Ang huli kong pagharap sa kanya ay noon pang kinausap niya ako tungkol kay Eos. I don't know if she's over him but it looks like she's fine. She's brave for letting Eos go despite the fact that she'll get hurt in return. But I thank and admire her for that.

Sana lang ay maging magkaibigan kami paglipas ng panahon...

"Si Eos ba?" She asked. "Wala na siya sa loob."

"Do you know where I can find him?"

"Why don't you call him?"

"He's not answering."

Napakunot ang noo nito at makaraan ang ilang segundo ay tumango tango na para bang naintindihan ang nangyayari.

"Nag-away ba kayo?" She asked. She sounds concerned than curious. "He seems troubled these past few days. And he's also edgy."

Umiling ako.

"No, we didn't..."

Natahimik kaming dalawa. Sophia looks like she's thinking of something deeply. Ako naman ay hindi matahimik ang isipan. There's absolutely something that's bothering Eos and I wanna know what that is.

"Uhm... Sophia, I need to go now. I still need to find-"

"I think his father is already in the country." She cut me off. Ako naman ang napakunot ang noo ngayon. "I'm not the right person to tell you this, so I'm sorry."

His father?

Does she know?

And what about that?

"Tell me what?" I asked. Napuno ng katanungan ang isip ko. Tita Ellaine told me about it. Pero sa pananalita ni Sophia ay para bang may mas malalim pa na dahilan. Umiling ito.

Make Me Yours (Lost Star)Where stories live. Discover now