Route 5

3.7K 127 7
                                    

I was sipping my coffee when Eula and Keana arrived. Nanlalaki ang kanilang mga mata habang palapit sa kinauupuan ko.

"What?" Natatawa kong tanong. Para silang nakakita ng multo. Ibinaba ko ang tasa ng kape.

"19 at ngayon ka pa nagrebelde? Seriously?" Eula asked. Napasimangot ako. Si Keana ay tumatawa at umupo sa aking tabi.

"We really need to celebrate!"

Hindi ko sinunod si mommy. Umalis pa rin ako kahit na malinaw ang kanyang sinabi na mag-aral ako sa bahay.

I know that it's not really about our midterms. It's about her dislike for Keana and Eula. I know she'll get mad once she knew. Half day lang sila ni daddy sa office dahil Saturday ngayon. But I'll deal with her anger later and have fun right now.

Hindi ako tinigilan ni Eula at Keana. Kahit nang dumating na ang order namin ay ako at si mommy pa rin ang kanilang topic. Nalihis lamang iyon nang simulan na nilang pag-usapan ang aming gagawin sa buong araw.

"Bar mamaya?" Eula asked when Keana suggested the bar. "Are you okay with that, D?"

Napaisip ako. Is it a good idea to go in a bar tonight? Baka mawala sa isip ko ang lahat ng nireview ko. But I also want to have fun today. I can deal with my studies tomorrow.

Tumango ako. Mas okay ang late na akong makauwi. Hindi ko man maiwasan ang galit ni mommy, madedelay naman iyon kahit kaunti.

"No problem." I said. Tumango ang dalawa sa akin.

"Ititext ko si Owen para masamahan tayo." Iyon lamang ang sinabi ni Eula at nagsimula nang magtipa sa kanyang phone.

Hindi ako sanay sa bar. Ang una't huli ay noong 18th birthday ko. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni daddy para mapapayag si mommy noon na sumama ako kay Keana at Eula pagkatapos ng party sa hotel.

Hindi ako umuwi noon. I got drunk. Sa condo kami ni Keana tumuloy para magpalipas ng gabi. Pagkauwi ko ay abot langit na sermon ang nakuha ko kay mommy. Idagdag pa ang hangover. I was grounded for a month.

"We need to go shopping. Hindi pang bar ang suot ko." Pinasadahan ko ng tingin ang suot ni Keana. She's wearing a navy blue bohemian top and high-waisted demin shorts. Really? Hindi pang bar, huh.

Sunod kong tinignan ang suot ko. Halter top at fitted pants.

"Okay, we'll go shopping." Sabi ko. I don't wanna go home and change. If we're going to party tonight, might as well wear a dress. I'm in the mood for one.

"Saang bar ba?" Eula asked. Maybe Owen's asking.

"I don't know. Valkyrie? The Palace? Ask your boy." Sabi ni Keana. Uminom siya galing sa tea na inorder.

"Valkyrie? It's Saturday. Siguradong puno na ang guest list. Ayokong pumila." Eula commented. Sa phone pa rin ito nakatingin at nagtitipa.

Hindi ako nakisali sa usapan nila dahil wala akong masyadong alam sa mga bar. Pinili ko na lang ang makinig.

"Hindi ba tayo maisisingit ni Owen sa guest list?" Keana asked. Ang alam ko nga'y may koneksyon si Owen sa isang kilalang bar.

"I don't know... gusto niyo ba doon?"

Nagkibit balikat lamang si Keana. Okay naman sa akin kahit saan. Eula and Owen kept on exchanging text messages.

"May bagong DJ daw sa The Palace. And he's from Vegas. Sa Elements naman ay may foam party raw ngayon." Ibinaba ni Eula ang kanyang cellphone at sa amin tumingin.

"I don't wanna get wet tonight." I said. Tumango ang dalawa.

"Sa The Palace na lang. Let's try the new DJ."

Make Me Yours (Lost Star)Where stories live. Discover now