Route 42

2.5K 71 5
                                    

Wala akong nagawa nang magbalot si Tita Ellaine ng merienda para kay Eos. She asked me to bring it to him and try to talk to him immediately. Hindi ako nakahindi kaya heto ako ngayon, sa harap ng pintuan ng unit niya. Ni hindi pa nga ako nakakaisip kung paano ko gagawin ito.

Bahala na!

I pressed the doorbell. I didn't bother to use the keys he gave me. Pinindot kong muli iyon bago niya ako pagbuksan.

"Hi." I greeted him. Bakas naman ang gulat sa kanyang mukha nang makita ako sa harap ng kanyang unit. "Are you busy?"

Nakasuot lamang siya ng itim na jersey shorts at gray na pang-itaas. His shirt hugged his body perfectly, showing all his muscles on the right places. Hindi na halata ang eyebags nito at mas maaliwalas ang itsura kaysa noong nakaraan. He also shaved already. He tried to collect his self again when we almost fought that day and the days that he promised to make it up to me.

"I'm studying." Sagot nito nang makahuma. The left corner of his lips slowly curved upward. He leaned sexily on the door frame. His arms crossed against his chest. "You miss me that much?"

Inirapan ko siya sa kanyang sinabi. Pabiro kong hinampas sa kanyang dibdib ang bitbit ko.

"Yes." I said. Inalis ko muna sa aking isip ang totoong pakay.

He chuckled. Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto at pinauna akong pumasok.

"What brought you here? Hindi ka man lang nagtext." Sabi nito. Nauna ako sa kanya sa kusina. Inilapag ko ang bitbit sa island counter bago kumuha ng pinggan at kubyertos para sa kanya.

"Like what you said, I missed you." Hirit ko dito na totoo naman. Dahil sa finals ay hindi kami madalas magkita ngayong linggo na ito. Nang humarap ako ay muntik na akong mauntog sa kanyang dibdib. Ni hindi ko napansin na ganito na siya kalapit sa akin.

"Do you mean that?" He whispered. Ang kanyang kamay ay nasa aking baywang.

Napangiti ako. Kagat kagat ko ang aking ibabang labi nang mag-angat ng tingin sa kanya.

"What do you think?" I asked. Mariin niyang pinikit ang kanyang mga mata.

"You're a tease, my queen." Napahalakhak na ako. Ang cute mo, Eos.

I kissed him on his cheek.

"I really do miss you."

Nilagpasan ko siya. Inilapag ko ang hawak na pinggan at kubyertos bago inilabas ang dalang pagkain.

Nagpaluto si Tita Ellaine ng pasta at garlic bread para kay Eos. May fresh orange juice na din doon at dessert.

"Are you done reviewing?" He asked. Umupo siya sa stool sa tabi ko habang pinipuno ko naman ang kanyang plato.

"Hmm." I hummed. I almost forgot about that. I can just finish everything later...

"Eat up." I said. I pushed the plate in front of him. Tinitigan niya lamang iyon. "Come on, Eos."

Nag-angat siya ng tingin sa akin.

"You won't eat with me?" He asked like an innocent boy. Napangiti ako.

"I already ate." I said. Ikinuha ko siya ng baso para sa juice. Nang makalapit akong muli ay hindi pa rin ito kumakain. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Kumain ka na." Pilit ko dito. Tinitigan ako nito ng matagal na para bang pilit akong gustong basahin. Bigla akong kinabahan. "Bakit?"

Umiwas ako. I took the thermos where the juice is and poured some for him.

"You're extra sweet today..." he said. I felt his arm around my waist. Hinila niya ako palapit sa kanya. Ang stool ay nakaharap na ngayon sa akin. He locked my body between his thighs.

Make Me Yours (Lost Star)Where stories live. Discover now