Route 13

3.1K 113 32
                                    

Ilang araw na ang lumipas mula nang mangyari ang usapan namin ni Eos sa condo ni Keana. We became closer after that. Kapag naaalala ko ay nahihiya pa rin ako. Ginagamit naman niya iyon para asarin ako and it's really effective.

Tulad ng napag-usapan namin, we're trying to know each other more. Palagi kaming nagkikita. Sinisigurado talaga niya na nagkikita kami araw-araw kahit ilang segundo lang iyon. Siya na rin palagi ang laman ng aking inbox. I find it so cute and... sweet.

We always talk about ramdom things. Minsan magugulat na lang ako at nasa labas siya ng aming room para abutan ako ng kung ano. Sometimes I visit him in the library. Ang akala ko ay one month lamang siya doon pero ang ibig sabihin pala ay thirty days ang dapat niyang makumpleto.

Hindi naman nagtatanong si Keana at Eula sa akin... tulad ngayon.

"Here goes prince charming." Keana singsonged. Napalingon ako sa pinto ng cafeteria at kakapasok lang ni Eos.

Agad niya akong nakita. He smiled and I waved at him.

May usapan kami ni Eos ngayon. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Hindi naman kasi ako nagtatanong. I just trust him. Besides, there's never a dull moment with him.

"Hey." He greeted us when he reached our table. Eula and Keana waved.

"Hi, real thing!" I glared at Keana. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin inaalis ang pagtawag kay Eos ng ganoon. Eos just chuckled though.

"Can I steal Empress from you for the day?" He asked.

"Oh, go on. We don't mind at all! Kahit huwag mo nang ibalik." Sinimangutan ko si Keana. Si Eula naman ay humagalpak ng tawa.

"Sure, Eos. Take care of her." Sabi ni Eula nang matapos sa pagtawa.

"I will." Sagot nito bago ako binalingan. "Let's go?"

I nodded. Tumayo na ako. He took my bag from me at siya ang nagbitbit noon.

Hinawakan niya ang aking kamay habang naglalakad kami papunta sa parking lot. May iilang bumabati sa kanya at sa akin. Agad na dumadako ang kanilang mga sa magkahawak naming mga kamay. I bit my lower lip.

Hindi ko dala ang sasakyan ko ngayong araw dahil coding iyon kaya ang gagamitin namin ay ang kay Eos. Tumigil kami sa harap ng kanyang Montero. He opened the door for me. His scent welcomed my nose as I slid in.

"Thanks." He smiled at me. Inabot rin niya ang seatbelt at siya ang nagkabit noon. Inilapag naman niya sa hita ko ang aking bag.

He closed the door after. Umikot siya para makapasok sa driver's seat.

"Is there a place you wanna go?" He asked me as he started the ignition. Lumingon siya sa akin.

"Somewhere happy." I told him. Nangunot naman ang noo niya sa aking sinabi.

"Somewhere happy?"

"Yes."

"Okay then." He smirked and drove off.

Hindi ko mapigilan ang pagtitig sa picture niya kasama ang kanyang mommy at kapatid. Bumaling ako sa kanya. Bakas ang ngiti sa kanyang mga labi habang sinasabayan ang kanta galing sa stereo.

"What?" He asked all of a sudden. He glanced at me. Napangiti ako at umiling.

I'm starting to get used to his presence. Pakiramdam ko'y hindi kumpleto ang araw ko kung walang kahit text man lang galing sa kanya. I don't know if this is healthy. Tulad ng sabi ko dati, wala ito sa priority ko.

But change is the only constant thing in the world. Hindi nababago ang pagbabago. And things between Eos and I are changing slowly...

I am changing slowly...

Make Me Yours (Lost Star)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن