Route 34

2.5K 63 2
                                    

Days flew by too fast. Hindi ko na napansin na malapit nang matapos ang semester na ito. Eos will graduate soon and I'm happy for him. Malapit na niyang maabot ang pangarap niya.

He became busier though. Halos hindi na siya natutulog para lang matapos ang cases na kanyang dinadigest at ang mga requirements. Isabay pa ang trabaho. Pero kahit na ganoon, sinisigurado niyang may oras pa rin siya sa akin. I understand that he needs to focus but I admit that I want to be with him, too, kaya hindi na ako nagrereklamo. Umayos na ulit ang grades ko at bumalik na ang sigla ko sa pag-aaral. Sa kagustuhan ni Eos na palagi kaming magkasama, nahahawa ako sa kanyang kasipagan. We sometimes spend the day studying in his condo and just that. Kahit na hindi kami mag-usap na dalawa, basta ay magkasama kami ay ayos na.

"May order na po kayo ma'am?" I looked at my watch before looking back at the waiter in front of me. Nakangiti ito sa akin habang may hawak na papel at ballpen. I smiled before answering him.

"I'm still waiting for someone." Napatango ito na agad ang sinabi ko.

"Drinks po?" He politely asked.

"No, thank you."

"Okay po. Tawagin niyo na lang po ako 'pag may gusto po kayo." I nodded with a smile. "Balikan ko na lang po kayo, ma'am."

I looked at my phone to check kung may message ba si Eos. We're going to meet today after a week of not seeing each other... Hiniling ko sa kanya iyon dahil gusto kong magpahinga din siya. Gumigising pa siya ng maaga para lang ihatid ako sa campus kahit na puyat na puyat siya. Kaysa magpahinga siya ay ako pa rin ang inaalala niya. Kahit labag sa kanyang kalooban ang hiling ko ay sinunod pa rin niya.

I want to send him a message but I don't like the idea of him using his phone while driving. Napaaga lang naman ako dahil gusto kong takasan ang mga magulang ko. Ibinaba ko ulit iyon. I'll just wait for him to call or something...

"Dionne?" Gulat na napaangat ako ng tingin sa tumawag sa akin. Napaawang ang aking mga labi nang makita si Keana at Eula na nakatayo sa aking harapan.

"What are you doing here?" Nakataas ang kilay na tanong ni Keana. Napatikom ako ng bibig.

Keana's been difficult to deal with for days now. Pinapakita niya talaga sa akin ang galit niya. Maybe because she can feel that I'm hiding something from them at wala akong balak sabihin sa kanila. Alam ko naman na naghihintay lang sila pero wala talaga akong balak na magsabi. It's already unfair that I chose Eos over them. I'm afraid to take the risk.

Sometimes, it's so hard to open up even to your closest friends.

"I thought you're busy today?" Eula asked. Huminga ako ng malalim. Hindi pa ako nagsisinungaling ay kinakain na ako ng aking konsensiya.

I don't want them to see me with Eos here... pero ayoko ring itaboy sila.

"Let's just go, Eula. Maybe she's waiting for someone." Hihilahin na sana ni Keana si Eula nang maisipan kong magsalita.

"Wanna join me on my table?" Tanong ko na nagpatigil sa kanila. Pinanliitan ako ng mata ni Keana. "I'm alone..." kalmado kong dagdag.

Kaninang umaga ay tumawag si Eula sa akin. She wants us to spend the weekend together just like before but I declined. Naka-oo na ako kay Eos bago pa siya makatawag. Nahimigan ko ang panghihinayang sa boses niya kanina.

"Sure!" Bago pa umangal si Keana ay mabilis ang ginawang pag-upo ni Eula sa aking harapan. Keana did the same. "Tapos na ba ang mga dapat mong gawin?"

"Yeah..." tango ko. I bit the insides of my lips before standing up. "Order anything you want. It's on me... Restroom lang."

Kalmado akong nagpunta sa restroom. I took my phone out and dialled Eos' number. Ilang ring bago niya iyon sinagot.

Make Me Yours (Lost Star)Where stories live. Discover now