Route 26

2.5K 60 3
                                    

Hindi ako makapaniwala sa kinalabasan ng pag-uusap namin ni Eos noong Lunes. Dapat ay natapos na sa araw na iyon ang kung ano mang meron kami. Dapat ay bumalik na sa dati ang buhay ko.

It's been three days. Pang-apat ngayong Biyernes. Mula noon ay hindi ko pa siya nakikita pero hindi nagmimintis ang kanyang mga mensahe. I charged my phone that night dahil hindi daw ako macontact ni Mommy at Daddy. He texts me from time to time. Those are just simple greetings though. Hindi naman ako nagrereply.

I don't know what's going on inside his head. Nalilito ako sa kanyang ginagawa. Ano siya, multo? Hindi nagpapakita pero nagpaparamdam? Hindi ko maiwasan ang mainis na hindi naman dapat.

I can't understand myself! Pati ako ay magulo!

"Dionne? Are you listening?" Eula snapped her fingers in front of me. Bigla akong bumalik sa kasalukuyan naming ginagawa.

I looked at her and my groupmates apologetically. Hindi namin kagrupo si Keana. Walo kami sa grupo. Nasa school garden kami ngayon. We occupied one of the tables to discuss our midterm project sa isang subject. Ang deadline nito'y next year pa pero medyo kumplikado kaya ngayon pa lang ay nag-uumpisa na kami. Hindi ko alam kung ilang oras na kaming nandito at nagbe-brainstorming.

"I'm sorry. What were you saying again?" Tanong ko sa kung sino. Hindi ko na matandaan kung sino ang nagsasalita. Hinilot ko ang aking sentido. Kailangan kong umayos. Ako ang leader at ako pa ang wala sa sarili. I don't want to mess this up.

One of our groupmates started explaining his idea again. Tango lang ako ng tango kahit na wala ding maintindihan sa sinasabi niya. Halos sila sila din ang hinayaan kong magtanungan at magdesisyon sa kung anong gusto nila. Lumilipad sa kung saan ang utak ko. I can't concentrate!

I flinched when my phone rang. My heart started to race. Nakapatong iyon sa table kaya mabilis kong nabasa ang rumehistrong pangalan sa screen.

Pinaghalong relief, lungkot, dismaya at pagtataka ang aking naramdaman nang mabasa iyon.

Why am I upset over a phone call?

Lahat ng groupmates ko ay doon nakatingin. Pati si Eula na nakataas ang kilay. Ang babaeng groupmates ko naman ay kinantiyawan agad ako.

I took my phone. Tumikhim ako.

"Are we done here?" Tanong ko. Ngising ngisi silang lahat sa akin. Napailing ako.

"Kaya naman pala..." humalakhak si Peter, ang tumatayong assistant ko sa project na ito, at tumayo. Hindi ko maiwasan ang matawa na rin sa kanilang kabaliwan. "I think we're done here. I wrote down notes for you." Inabot nito sa akin ang isang notebook. I took it and smiled shyly at him.

"Thanks..." I said. Nagsitayuan na rin ang iba. Nginitian ko silang lahat. "I'll just inform everyone after I finalize everything. Hahati-hatiin ko na rin ang trabaho."

Sumang-ayon silang lahat. Sakto namang tumigil ang pagring ng aking cellphone. Isa-isa na silang nagpaalam at umalis pagkatapos.

Umupo akong muli. Eula stared at me as I unlock my phone.

"What?" I asked her. Hindi nito nagawang makasagot nang tawagan ko ang tumatawag sa akin kanina. Unang ring pa lang ay sinagot na iyon.

"Hi!" I chirped. Nakangiti ako kahit na hindi niya naman nakikita.

"Hey." Gab greeted back using his calm and soothing voice. Pati sa telepono ay ang ganda ng boses nito. "Are you busy?"

"Hindi naman. Pasensiya na kung hindi ko agad nasagot ang tawag mo. Katatapos lang ng group meeting namin." Sagot ko. "Napatawag ka?"

Make Me Yours (Lost Star)Where stories live. Discover now