Route 39

2.5K 68 1
                                    

I closed my eyes as I remembered how I pushed Eos away that time. Kung paano biglang naging blangko ang kanyang mga matang matamang nakatitig sa akin noon. Kung paano nawalan ng buhay ang mga abuhin niyang mga mata dahil sa sinabi ko.

I can clearly remember how I told him that he doesn't deserve me. That came out of my mouth without even knowing its impact to Eos. Pakiramdam ko ay sobrang sama ko, na wala akong pinagkaiba sa kanyang ama. Na ipinaramdam ko ulit ang ganoong sakit sa kanya. It's been days since I met Tita Ellaine and Yuri. Ganoon na din katagal mula nang pakiusapan ako ni tita na huwag sasaktan si Eos and it's really bothering me.

I can't help but to think of how much I know about Eos and how much he knows about me. I feel that we unconsciously built a wall between us the moment we're together. We both have a shell that's difficult to crack. There's a part of us that we both can't touch and it seems like we're okay with it. Dahil pareho kaming may itinatago. Pareho kaming may ayaw ipaalam sa isa't isa.

Hinilot ko ang aking sentido. I tried to push those thoughts away. Maybe I'm just overthinking again.

I turned my head to the right when my phone rang. Inabot ko iyon mula sa bedside table.

"Hey, D. Let's go out." Pambungad ni Eula sa akin pagkasagot ko ng tawag. Nanatili akong nakahiga sa aking kama.

"Where's Owen?" Tinatamad kong tanong. Narinig ko naman siyang natawa sa kabilang linya.

"Naghihiwalay pa rin naman kami 'no! Judger ka." She laughed. "Ano? Let's hang out! I already called Keana."

"Okay." I answered immediately.

"Great! Sunduin na lang kita after an hour."

Wala na rin naman akong magagawa kung natawagan na niya si Keana at si Eula na mismo ang nagprisinta na susunduin na lang ako. I just really wanna sulk in my room all day. Pero pilit lang naman na babalik ang mga iniisip ko kaya mas mabuti ngang lumabas na lang ako ngayon. Eos is busy, too. Ang sabi niya sa akin kagabi ay may importante siyang aasikasuhin ngayong araw. Ni wala siyang text mula kaninang umaga. I don't want to bother him kaya hindi na rin ako nag-abala pa.

I got up from my bed and started to prep. Sandali akong nagbabad sa bathtub bago tumapat sa ilalim ng shower. I just wore a short sleeved black midrib top and a knitted red pencil skirt. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko at naglagay lang ng konting make-up. Nang maisuot ang nude flats ko ay nagpasiya na akong bumaba. I took the clutch bag that I prepared earlier before leaving my room.

Tahimik ang buong bahay hanggang sa makababa ako ng hagdan. Mom and Dad left right after lunch. Sa tingin ko'y inaasikaso na naman nila ang tungkol sa kasal ni Mommy. I just hope that everything's going well...

I'm happy that my mother kept her promise. Kapag may pagkakataon ay talagang bumabawi siya sa amin ni Trish. Medyo lumuwag na din ang hawak niya sa amin but she's still strict. There are still times na nahihirapan akong kausapin siya but I can see that she's trying her best para hindi kami masakal tulad ng dati. Mas strikto nga lang ito kay Trish dahil wala pa ring alam ang kapatid ko sa mga nangyayari and we want to keep it that way. We all don't want to break my sister's heart. She's too innocent and sweet.

Pagkatapos kong ihabilin si Trish sa isang kasambahay ay saktong pumasok ang text ni Eula na nagsasabing nasa labas na siya ng bahay. Mabilis akong lumabas at pumasok sa kanyang kotse.

"So chic." She said. Humarap ako sa kanya at ngumiti. Nagbeso kaming dalawa.

"Where's Keana?" I asked. Kahapon lang ay magkakasama kaming tatlo sa school. Iyon nga lang ay maagang umalis si Eula dahil sinundo ni Owen.

"Nandoon na raw." She said and drove off.

Tumango ako bago ibinaling ang atensyon sa aming dinadaanan.

Make Me Yours (Lost Star)Where stories live. Discover now