Route 9

3.4K 101 24
                                    

Thank you, crappechi for my covers! ❤

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Thank you, crappechi for my covers! ❤

- -

"Ate, okay ka lang?" I nodded at my sister. Pinatay ko ang ignition at lumabas na ng kotse.

Kanina pa siya nagtatanong kung okay lang ako. Why wouldn't I be okay, right? Napanguso ako habang papasok ng bahay.

Nalate ako ng 30 minutes sa pagsundo kay Trish. It's a good thing she's entertained by someone while I was on the way. Kung hindi ay siguradong nakabusangot ito sa akin pagdating ko.

Nang patayin ko ang tawag kanina ay mabilis akong nagpaalam kay Eos. Bigla kasi akong nakaramdam ng pagkailang. Sinong hindi maiilang kung mataman itong nakatitig sa'yo? Tagos sa kaluluwa ang tingin niya!

Hindi ako nahirapan sa pagpapaalam dahil tumango lamang ito sa akin. Hindi ko alam kung bakit biglang naging awkward sa pagitan naming dalawa. Napakagat ako sa aking labi nang maalala kung paano kami nagtitigan kanina at kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa't isa. And it's because of me. Shit!

"Ate!" Pumalakpak sa harap ko si Trish. "Kanina ka pa dito sa hagdan! Okay ka lang talaga?" Tanong na naman nito.

Hinawi ko ang kamay niya at sumimangot.

"Wala ka bang assignment?" Tanong ko dito na inilingan niya.

"Gagawa ako ng popcorn, Ate. Manuod tayo ng Star Wars!" Masiglang pag-aya nito sa akin.

Um-oo ako kahit na tapos ko na iyon. I need to clear my mind and think of other things. Pakiramdam ko kasi ay nagkagulo sa loob ng utak ko. Nagtuloy ako sa pag-akyat sa aking kwarto.

Pabagsak akong humiga sa kama. Kinuha ko ang phone ko at tamad na nagtingin ng messages. May tig-isa na galing kay Keana at Eula. Binitawan ko iyon at tumayo.

Wala akong kailangang gawin ngayon kaya ayos lang na dito manuod ang kapatid ko. I'm not in the mood to read any of my books, too. Nagshower na muna ako at nagpalit na ng pambahay. Hindi uuwi ngayon si Mommy at Daddy dahil may meeting sila out of town. Ang sabi ay bukas pa ang uwi.

Paglabas ko ay nakahiga na si Trish sa kama ko at kumakain ng popcorn.

"Sinimulan ko na, Ate. Tagal mo, eh." Sabi nito habang nakatingin sa pinapanuod. Hindi ko na siya sinagot. Kahit kailan talaga mainipin siya.

Umupo na muna ako sa tapat ng aking dressing table para magsuklay. Naglagay na din ako ng lotion bago umupo sa kama.

Tutok na tutok ang kapatid ko sa pinapanuod. I think it's the first ever Star Wars movie because the young Anakin Skywalker is there.

Nang maramdaman ni Trish ang pag-upo ko ay kaagad itong lumapit sa akin at ginawang unan ang mga hita ko. Ang katawan niya ay nakaharap sa TV habang yakap yakap ang bowl ng popcorn sa may bandang tiyan.

Make Me Yours (Lost Star)Where stories live. Discover now