Route 12

3.1K 115 34
                                    

Nakaupo kaming lahat sa living room ng unit ni Keana. Inusog kanina ng mga lalaki paatras ang couch at center table para magkasya kami. May foldable table si Keana na pwedeng gamitin sa ganitong okasyon. Napakaraming pagkain at inumin ang nakahanda sa aming harapan. Halos finger foods iyon at alak.

"Hindi ko iyon kasalanan!" Napuno ng tawanan ang living room dahil sa sigaw ni Keana na katabi ngayon ni Fritz.

"Anong hindi? May girlfriend pala kasi iyong tao nakipagsayaw ka pa." Akusa ni Fritz dito. Umaray ito bigla nang pingutin ni Keana.

"Igaya mo ako sa'yo! Siya ang nakipagsayaw. Not me!"

Kanina pa sila nagkukwentuhan tungkol sa kalokohan ni Keana at Fritz. Hindi ko na nga masundan ang usapan dahil kanina'y tungkol sa nalalapit na finals ang topic nila. Hindi ko alam kung paano napunta dito ang kanilang kwentuhan.

Umayos ako ng upo nang maramdaman ang presensiya ni Eos sa aking tabi. Kumuha siya ng nachos. Kapag naaalala ko ang ginawa niya kanina ay hindi ko mapigilan ang mamula. But I'm trying to act normal. I don't want him to feel that I was so affected or that I'm uncomfortable around him because of what happened.

"Are you cold?" Binulong nito iyon. I almost shivered when his hot breath fanned my neck. Naamoy ko ang alak sa kanyang hininga. Napahawak ako ng mahigpit sa demin longsleeves niyang nasa aking mga hita.

"N-no." I answered without looking at him.

Ramdam na ramdam ko pa rin ang paninitig nito sa akin pero pinanatili ko ang aking tingin sa harap kung saan nakaupo at nag-aasaran pa ring si Keana at Fritz. Sa tabi nila ay si Mico at Louise na katabi ko. Sa kanan ni Eos ay si Julius na kumakain ng buffalo wings at sa tabi nito ay si Owen at Eula.

"Ikaw, Eos?" Naramdam ko ang paglingon niya kay Keana. Pati ang atensyon ko ay nakatutok sa kanya. "Ilan na ang naloko mo?"

"Keana!" Saway ko dito. Obviously, Eos is my guest dahil ako ang nag-aya sa kanya kaya ako ang nahihiya para kay Keana.

"What? I just wanna know." Ngumuso ito. "I asked a friend about you. You're quite famous. You know... with your looks and your brain. You're an archer and you're also a DL. Ilan na ang naloko mo?"

Humalakhak si Eos. Lahat sila ay nakatingin na ngayon sa kanya. Naging alerto ako sa kanyang magiging sagot kaya pati ako ay napalingon na dito.

"If you already asked a friend of yours about me, you should also know the answer to that." He answered while forming a smirk. Ngumisi muna si Keana bago tumawa ng malakas.

"You're good at this game, too!" Akusa ni Keana. "Damn playboys!"

Kumunot ang noo ko sa kanyang sagot. Well, I already expected something like that but still... his answer disappointed me in some ways. Lalo na sa sinabi ni Keana. He didn't deny it. Silence means yes, right?

Nag-iba na ang tingin ko sa kanya nang nakikilala ko na siya ng paunti-unti. But... he's still the arrogant guy that I met.

"Kung ganoon.. Who's Dionne for you?" Sunod na tanong ni Keana. Napahilot ako sa aking sentido.

"I am his friend, Keana. Stop asking him questions."

Ako na ang sumagot bago pa may kung ano na lumabas sa bibig ni Eos na hindi ko magustuhan. I know that he won't deny our friendship but I also don't wanna hear it from him. Nakakapagtaka nga naman ang biglang paglapit namin sa isa't isa. Bakit ganito na lang siya kumilos...

He's literally giving me mixed signals. I'm not a PL for nothing. So... he's playing with me then? I can't help but think about it. Kung kailan naman... shit. I shouldn't go there.

Make Me Yours (Lost Star)Where stories live. Discover now