Route 15

3.1K 73 10
                                    

"A penny for your thoughts?"

Napalingon ako kay Eos na titig na titig sa akin ngayon. His gray eyes are piercing right through me like it wants to speak to my soul. Seryosong seryoso ito pero bahagyan nakataas ang kanyang labi at malumanay na nakatingin sa akin. Mukha itong nag-aalala.

I tried to remember why we're together right now. Nang mapalingon ako sa buong library ay naalala ko ang lahat.

Finals week na namin at huling araw ni Eos ngayon sa library. He already completed the 30 days. Ten weeks din ang inilagi niya sa library. Walang library service pero siya ang inatasan na magbantay at mag-ayos. He used that opportunity to invite me and have some time together.

Kasalukuyan kaming nagrereview pareho. Hindi ko lang namalayan na lumilipad na ang utak ko sa kakaisip sa mga magulang ko.

Mula noong marinig kong nag-uusap si Daddy at ang mga tita ko ay hindi ko na iyon maalis pa sa isip ko. I know that I should just let it go since they're now okay. Baka isa na naman iyon sa mga hinaing nila auntie. Palagi naman ganoon kapag nag-aaway sila.

"You've been spacing out on me since I brought you home from Brianna's birthday."

Hindi ko maiwasan ang maguilty sa sinabi ni Eos. It's true. Hindi lamang isang beses niya ako napansin na nakatulala o kaya ay hindi nakikinig sa kanyang sinasabi. Isabay pa na finals week na. And my feelings... Ang daming gumugulo sa utak ko ngayon.

"I'm sorry." Sabi ko dito. He sighed.
Napasinghap ako nang iikot niya paharap sa kanya ang swivel chair na inuupuan ko. He pulled it towards him. Ikinulong niya ang mga tuhod ko gamit ang kanyang binti. Sa armrest naman ng swivel chair niya inilagay ang mga braso.

"May problema ba?" Tanong nito. He leaned forward hanggang sa magtapat ang aming mga mukha. I bit my lip.

Should I tell him? Isn't it too personal? Are we on that stage already?

He then again sighed. Ikiniling niya ng bahagya ang kanyang ulo. Kitang kita ko ang abo niyang mga mata na para bang nakikipag-usap sa akin.

Hindi ako nahiyang pagmasdan siya. My eyes roamed on his face. From his thick eyebrows, his gray eyes, his pointed nose, his firm jaw and his lips.

I am attracted to this man and what I am feeling right now towards him is scaring me.

"Have I done something wrong?" He asked. I faintly shook my head. "Then what's bothering you?"

"Finals." Sagot ko dito. Sandali ako nitong pinagmasdan na para bang sinusukat niya kung totoo ang aking sinabi. Sa huli ay ngumiti siya at umiling.

"Why did I forgot that I'm dating a grade conscious girl?"

"I'm not grade conscious." Mabilis na sagot ko. Tumaas ang kilay niya bago biglang natawa. I frowned because of that.

"What?" Tanong ko.

"I was expecting you to react on the part where I said the word dating." Sabi nito. He looked very amused. Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat.

He laughed to his heart's content. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi dahil doon. I glared at him. Agad naman siyang tumigil at kinagat ang ibabang labi. Halatang nagpipigil pa rin ng tawa.

"Damn, Empress. You're so adorable." He looked very contented as he stroke the crease on my forehead with his fingers.

I can feel the fast beating of my heart as I watch him. It even skipped a beat when he smiled. Pinigilan ko ang mapasinghap dahil doon. My heart suddenly clenched and I found it hard to breathe being this close to him.

Make Me Yours (Lost Star)Where stories live. Discover now