Route 19

2.6K 74 14
                                    

Eos didn't let go of my hand the whole ride back. I just let him. Hindi ko maalis ang ngiti sa aking labi. I'm feeling so warm inside. The calmness of the sea is the exact replica of my heart.

We watched the sunset as our boat moved. Nasa gitna iyon ng dalawang isla. Kulay kahel na rin ang tubig dahil sa ilaw na nagmumula sa araw na papalubog. It was a beautiful sight. I took my phone out to capture that moment without taking my hand back.

Madilim na nang makabalik kami sa laot. Tatawid lang kami ng daan para makarating sa casa. The boys helped the boatman to carry our things.

"I saw that!" Binunggo ako ni Keana. We're walking behind the boys. Medyo malayo na ang mga ito sa amin.

"Saw what?"

"Kunwari pa." Halakhak niya at hinila ang shirt ni Eos na suot ko. Pinasuot niya ito sa akin kanina nang umahon na kaming dalawa. Ang haba ay tama lang para takpan ang aking puting swim shorts.

"I saw it, too!" Umabrisete naman sa akin si Eula. "Sayang lang hindi ko nakuhanan dahil nakasakay ako sa zipline." She giggled.

Namula ako sa kanilang sinabi. Kanina ay hindi ko naisip na baka nakita nila kami dahil wala naman silang sinabi tungkol doon.

"Official na ba kayo?" Keana asked.

"What? No!" Mabilis na apila ko naman.

"Wow. No strings attached." Sabi pa niya na para bang naiintindihan niya ang lahat. Hindi ko na pinansin pa ang pang-aasar niya.

Nanahimik na rin naman ang dalawa sa aking tabi. Panay ang tingin nila ng pictures sa kani-kanilang phones.

Pumasok na kami sa casa. Binati kami ng receptionist at dalawang bellboy na katabi nito. Ang mga gamit galing sa kusina ay kinuha ng dalawang bellboy.

"Sa pool muna tayo. I wanna take a dip." Si Keana. Umupo ito sa isang bench sa lodge ng casa.

"Oo nga. We can also drink there." Fritz said. Tinanguan naman iyon ni Owen.

"Doon ko na lang ipapahanda ang dinner kung ganoon." Sabi ni Owen. Nagkasundo naman ang lahat. Matapos iyon ay lumapit siyang muli sa receptionist para maghabilin.

"I'll bring our stuffs upstairs then." I volunteered. Kinuha ko ang dalawang maliit na bag na dala namin. Walang elevator ang casa at alam kong tatamaring umakyat sa third floor ang mga kasama ko.

"I'll go with you." I felt his arm snake around my waist even before I could agree. Ramdam ko ang init ng kanyan katawan sa aking tabi dahil wala siyang suot na pang-itaas. Tumikhim si Keana, halatang nagpapapansin.

"Dapat pala tatlong hiwalay na rooms ang kinuha ni Owen." Ngumisi si Keana. I tried to glare at her para manahimik siya. Her eyes are not on me. Her eyes are directed at the guy beside me. She's looking at Eos' body. Ni hindi siya nahihiya.

"Bakit?" Eos asked. Napatingala ako sa kanya. His annoying smirk is on his face. I suddenly want to wipe that off. He knows that Keana's feasting on his freaking ripped body and he's enjoying it.

Ang yabang! Too much ego boost for today.

Bago pa man makasagot si Keana ay hinila ko na si Eos. He laughed kaya pinisil ko naman ang braso niyang hawak ko.

"Aray!" He yelped. Nanahimik siya. Ilang sandali pa ay hawak na niya ang aking kamay at nasa kanya na rin ang bags na dala ko. Siya na rin ngayon ang nangunguna sa paglalakad. Smooth.

Hindi ko mapigilan ang pagngiti. The incident earlier somehow made us more... intimate. Para kaming nag-usap na walang salitang ginagamit at nagkaintindihan kami agad. It's like we both agreed to take it to the next level.

Make Me Yours (Lost Star)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon