Route 27

2.4K 55 1
                                    

Eos stopped calling and sending me text messages. His last attempt was when I was with Gab and I saw him watching us. Mula noon ay hindi ko na siya nakita pang muli... I don't know if I should feel relieved or feel bad because it looks like he doesn't care at all.

Either way, I am hurting. I won't deny that.

Parang tinapos ko ang isang bagay na hindi pa nga nagsisimula. Pinipilit ng utak ko na tama lang ang ginawa ko. Na para sa kanya din ito pero nararamdaman ng puso ko na maling mali ang lahat.

I closed my eyes as my heart constricted again.

I should be happy because I'm back on my track. Pero kabaliktaran ang nararamdaman ko. I shouldn't feel this way. Sinasaway ko ang aking sarili pero hindi naman ako nakikinig.

"Dahil ba 'to doon sa Sophia?" Bakas ang iritasyon sa boses ni Keana nang magtanong.

I shook my head. Hindi ko alam kung paano ko lilinisin ang pangalan ni Sophia sa kanilang dalawa ni Eula. Ayoko namang sumama ang tingin nila dito.

Hanggang ngayon ay sumasagi pa rin sa aking isipan ang tanong kung paano nalaman ni mommy ang tungkol kay Eos. Si Sophia ba ang nagsabi sa kanya? There's a great possibility that she did. Sa tingin ko'y hindi ko na din naman malalaman dahil wala akong balak na tanungin pa siya.

She can have Eos now. She has proven her point. She can give everything that he deserves and I can't.

Kahit ganoon ay hindi ako makaramdam ng galit sa kanya. Siguro'y dahil alam kong tama siya.

"It just didn't work out." Sabi ko. "Napag-usapan naming itigil na lang."

"Alin ang hindi nagwork out? You two were okay noong nasa Pangasinan tayo. Nagbago ka lang naman when that girl entered the picture." Sabi ni Keana.

"Dahil nagsimula na akong mawalan ng gana that time, Keana." I bit my tongue. Too much lies. Pinili kong maging blangko ang ekspresyon. "I just don't know how to break it out to him... until last week. Wala akong... nararamdaman para sa kanya. We're just wasting our time. So I ended it."

Kung ano na lang ang inimbento kong kwento para lang may masabi kay Keana at Eula nang tanungin ako ng mga ito. Patong patong na ang aking mga kasinungalingan.

Pagpasok pa lang ng university ay halos mahilo na ako sa dami ng tao sa buong campus. Pati sa pagpark ay nahirapan ako dahil sobrang daming sasakyan.

Today's the last day of our foundation week. Isinabay ulit ang college week namin dito. Pumasok lang ako para sa attendance dahil paralyzed na ang lahat ng klase mula noong Lunes. Halos dumoble naman ang bilang ng mga tao dahil open gate. Maraming activities at events na inihanda ang university.

Si Keana ay mamaya pa pupunta dahil nagpuyat ito kagabi. Si Eula ay kasama naman si Owen mamaya. I'm all alone today.

Dumiretso ako sa booth ng aming section. Ang namamahala doon ay ang class officers lang. I just want to finish what I have to do and go home right away. I'm not feeling well. Not physically but emotionally. Hirap na hirap na ang kalooban ko dahil sa halo-halong emosyon.

"Good morning." Bati ko sa mga nadatnang kaklase. Nginitian ko sila. I immediately put my facade on. They greeted me back. I asked for the attendance sheet and they gave it to me.

"Hi, President!" Mula sa papel ay napalingon ako sa tinawag ng aking mga kasama. Papalapit ngayon si Gab sa aming booth kasama si Roi.

"Hi." Ngumiti ito sa lahat at inilibot ang tingin. He saw me at the corner. Umayos ako ng tayo. Lumapit ako ng kaunti para bumati.

"Busy?" Ngisi ko. Nagbuga siya ng hangin bago tumango.

"Very."

"You should rest then..." Naghiyawan naman ang mga kasama namin sa sinabi ko. Napailing kaming dalawa sa kalokohan nila.

Make Me Yours (Lost Star)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon