Route 53

2.7K 75 10
                                    

Warning

-

I didn't sleep at all. It was so hard to contain my tears. I wanted to cry but I can't because Eos is just sleeping beside me.

I'm afraid. I'm afraid that I'm right. I'm afraid that he will really leave me when he finds out. I'm afraid that I might hurr him again. I'm afraid of the idea building inside my head right now.

Nakatingin lamang ako kay Eos habang kausap niya ang architect at engineer niya. Kanina pagdating namin ay ipinakilala niya ako sa mga ito. The two of them aren't that old. Sa tingin ko nga'y matanda lamang sila ng ilang taon sa amin ni Eos.

The site's almost finished. Ang iilang gamit ay idineliver na rin kaninang umaga. Finishing na lang pero mukhang may concern si Eos kaya pati ang architect ay nandito.

Sumenyas sa akin si Eos na papasok muna sila sa loob. I nodded and smiled at him.

Kanina pa ako nakaupo dito sa restaurant sa harap ng kanyang ipinapagawa. Dito rin kami kumain kanina at ngayon ay may kape na lamang sa aking harapan na kanina ko pa iniinom.

Itinuon kong muli ang aking tingin sa magandang tanawin sa aking harapan nang mawala na sila Eos sa aking paningin.

The place is just perfect. Overlooking ang Taal Lake sa kung saan ipinatayo ni Eos ang kanyang restaurant. There's also no need for aircondition because the weather itself is perfect. Kahit na sikat na sikat ang araw ay malamig ang simoy ng hangin. Ngayon nga lang ay mas malamig dahil kanina pa nagbabadyang umulan na hindi matuluy-tuloy.

This place is just so peaceful. Hindi tulad ng sarili ko na hindi ko na maintindihan sa sobrang gulo.

I feel like there's a storm inside me. My decisions are being clouded by the dark skies and the heavy rain. My heart is thumping like the thunder. The strong wind trying to sway me...

I looked up the sky when it roared again. It's getting darker by the minute. Mukhang uulan na anumang oras.

I closed my eyes as I hugged myself when the cold wind blew. I don't know if I'm shaking because of the weather or because of the thoughts inside my head.

I am swayed. I know that I am.

And I hate it.

"Empress." I looked up at Eos. Hindi ko napansin ang paglapit nito sa akin.

"May problema ba?" Tanong ko. He bit his lip and shook his head. Tumingin siya sa kanyang restaurant habang nagpatuloy sa pagsasalita.

"It's about to rain. Pinapauwi na namin ang mga nagtatrabaho. Nakaalis na din si Engineer at Architect." He said then looked at me. "Let's go?"

Kinuha ko ang nakalahad niyang kamay. We walked together to his car. Sakto namang pag-andar ng kanyang sasakyan ay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Nang mapadako ang tingin ko sa banda ng Taal Lake ay hindi ko na iyon makita sa lakas ng bagsak ng ulan.

Lamig na lamig na ako nang magpark si Eos sa harap ng tower. Pinatay na niya ang engine pero hindi pa rin kami lumalabas.

"Stay here and wait for me." Utos nito habang nakatingin sa malakas na bagsak ng ulan sa kanyang sasakyan. "I'll borrow an umbrella in the reception desk."

"Mababasa ka!" Pigil ko dito nang akma na itong lalabas. He grinned boyishly.

"It's alright, my queen." He said and held my hand that's on his elbow. "I'm born to serve you. So let me go and let me take that umbrella for you."

Humigpit ang hawak ko sa kanya.

Let him go?

"Is there a problem?" He asked. Ngumiti ako at pinagtakpan ang sakit na nararamdaman.

Make Me Yours (Lost Star)Where stories live. Discover now