Route 17

2.8K 79 23
                                    

Nawalan ako bigla ng gana dahil sa napag-usapan. Hindi ko pa napapangalahati ang order ko. Parang lumipad ang isip ko sa ibang lugar. I can't even concentrate. Parang mas gusto ko ang manahimik na lang din.

I tried my best to include myself in their conversation. Ayokong makahalata si Mommy dahil hindi ko alam ang isasagot kung magtanong siya sa akin.

Nakatitig lamang ako sa aking plato at pinaglalaruan ang isang baby tomato. Nang magsalita si Mommy ay nagtaas ako ng tingin.

"The way you talk, Helena, mukhang may boyfriend na si Sophia?" Nakataas ang kilay na tanong ni Mommy. Hindi na ako sumali sa usapan. Itinuon ko ulit ang pansin sa aking pagkain at nilaro iyon.

Ang tawa ni Tita ang bumalot sa amin.

I bit my lower lip as Mom's voice echoed in my head. Alam na alam kong ayaw niya nito. Pero... hindi ba talaga pwede?

"Malihim ang inaanak mo, Fatima." Tita said while laughing.

"Ma, ano naman po ang nilihim ko?" Malambing na tanong ni Sophia. Kinuha ko ang wineglass para uminom.

"Hindi maganda ang maglihim sa mga magulang, hija." Si Mommy. Napatigil ako sa akmang pag-inom dahil sa kanyang sinabi. Ilang segundo ang aking binilang bago uminom ng tuluyan.

I don't know why I'm so upset right now. Wrong... I clearly know why. And this is not good.

"I'm not hiding anything, Ma. I'm not even dating anyone."

"How about the man who's always with you? Iyong sumusundo at naghahatid sa iyo sa bahay?" Mapanukso ang boses ni Tita.

"Ma! Eos is just a friend." I snapped my head to Sophia. Namumula ang kanyang mga pisngi ngayon. There's this unusual glow in her eyes. I frowned. Tama ba ang narinig ko?

"Oh, right! Eos! That sweet kid." Nakangiting sabi ni Tita. Doon ko nakumpirma ang narinig.

Eos? Pareho ba kami ng kakilala? His name's unique...

"Eos?" Namutawi iyon sa aking bibig bago ko pa mapigilan. Biglang bumigat ang aking paghinga dahil doon. Lahat naman sila ay nakatingin sa akin ngayon.

Just the mere mentioning of his name takes my breath away. Bigla akong naging attentive.

"You know him, sweetie?" Mom asked. Umurong bigla ang aking dila. Mapanuri ako nitong tinitigan. Natatakot ako na baka magkamali sa sasabihin. Ibinalik ko ang aking tingin kay Sophia para makaiwas sa aking ina.

"Baka pamilyar po kay Dionne, Tita." Si Sophia. A sweet smile is plastered on her curvy lips. "Naging student librarian po kasi iyon sa college nila."

Pinigilan ko ang magreact sa kumpirmasyong iyon. It really is a small world, huh? Para akong pinaglalaruan ng tadhana ngayon.

Tumango si Mommy pero nasa akin pa rin ang tingin.

Shit. I tried to compose myself.

"Iyon ang napupusuan ng anak ko, Fatima." Sabi ni Tita Helena. Napasinghap ako dahil doon. Kitang kita ko ang pagpula ng pisngi ni Sophia. Mas halata iyon dahil sa maputi niyang kutis.

What's with her reaction?

"Ma..." nahihiyang sabi nito. Para naman akong na-engkanto sa aking kinauupuan. She didn't deny nor confirmed. But her expression says it all.

"I like Eos for you, Sophia. He's a responsible man. Napakagalang at napakabait! Kay gandang lalaki pa!" Papuri ni Tita Helena. Napunta sa kanya ang atensyon ni Mommy.

Ako naman ay hindi makagalaw sa kinauupuan. Nanghihina ako.

"Ma, Eos likes someone else." Kita ko ang paglungkot ng mga mata ni Sophia sa sinabi bago itinutok ang tingin sa akin. I was taken aback. Parang may nagbara sa aking lalamunan. Kinabahan ako bigla.

Make Me Yours (Lost Star)Where stories live. Discover now