Route 20

2.6K 55 9
                                    

"What are you doing here?"

Hindi ko magawang sumagot kay Sophia. Ang sikip ng kwartong ito para sa akin. Hindi ako makahinga ng maayos.

Why is she here? Is she an archer, too? But she's not wearing their uniform. She's in her lavender jumpsuit. Mababa ang neckline noon at manipis ang strap. May suot siyang puting chocker. Nagmukha siyang mas matangkad sa akin dahil sa kanyang heels.

"You're here." Napakislot ako nang maramdaman ang hawak ni Eos sa aking braso. Ni hindi ko napansin ang kanyang paglapit.

I looked at him. Halata ang gulat sa kanya pero mas kita ko ang saya sa kanyang mukha. I want to smile because of that but I just can't. Parang biglang nawala ang excitement ko sa tatlong araw naming hindi pagkikita. Pilit na bumabalik ang aking tingin kay Sophia.

I saw how her eyes landed on my elbow, right where Eos is holding me. Gusto kong lumayo kay Eos. Gusto kong umatras. Gusto kong umalis.

"You... didn't..." My eyes went back to Eos. Kagat kagat niya ang kanyang ibabang labi. Ang isang kamay ay humawak sa aking pisngi. "Damn." He whispered as he closed his eyes.

Nakarinig ako ng kantiyawan mula sa mga archers dahil sa kanyang ginawa. I then again looked at Sophia. Her eyes are peering as she look at the scene in front of her. Curiosity and confusion is evident in her eyes.

"You know... him?" She asked me. Mabagal ang bawat bigkas niya sa mga salita. Hindi ako makasagot. Naramdaman ko na lang ang pagbaling ni Eos sa kanya.

"You know Empress?" Tanong ni Eos. Tinanguan siya ni Sophia.

"Hindi niya sinabing... magkaibigan pala kayo." May diing sabi nito. I know I'm at fault. I totally forgot about her. Hindi ko inexpect na magkikita kami ng ganito.

"It's... more than that." Sabi ni Eos at kinindatan si Sophia. Then, like a bolt of lightning, realization crossed her face. I paled. That just confirmed it. Nag-iwas ako ng tingin nang tumalim bigla ang kanyang mga mata. Hindi ko na nasundan pa ang usapan nila.

"What's that?" Napatingala ako sa tanong ni Eos. Sinundan ko ang kanyang tingin. Bumaba iyon sa paperbag na hawak ko.

Matagal ko iyong tinitigan. Pakiramdam ko'y nakalimutan ko rin kung bakit nandito ako ngayon.

"I... I brought you lunch." Mahina kong sabi. Lumapad ang ngiti ni Eos. "It's... for everyone..." I said as I roamed my eyes in the room, avoiding hers.

"Wow! Libreng lunch!" Sigaw ng isa. Siguro'y narinig niya ako. Natuwa rin ang iba.

"You cooked it?" Eos asked. I absentmindedly nodded.

Hindi ko na napansin pa ang sunod na nangyari. I just saw myself sitting beside Eos while everyone's eating the food I brought. He took another plate and gave it to me.

"Are you okay?" He asked. Pinilit kong ngumiti sa kanya.

Put your self together, Dionne! This is not the time to drown in your own thoughts.

"Is something bothering you?" Nilingon ko si Sophia. Her angelic face suddenly changed in my eyes. I tried to smile at her as well. I know that there's something more behind her words. Nakatingin si Eos sa akin.

"I'm fine."

Kitang kita ko ang pasimpleng pag-irap ni Sophia. Hindi ko na iyon pinansin.

"Hindi ko alam na magkakilala pala kayo." Eos said as he filled my plate. Halos malula ako sa kaning inilagay niya.

"She knows." Si Sophia. Napakagat ako sa aking ibabang labi. Magtatanong sana si Eos pero nagsalita ako.

"Eos, that's enough."

Make Me Yours (Lost Star)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang