Route 46

2.5K 94 20
                                    

Isang beses ko pang pinasadahan ng tingin ang suot kong damit bago nakuntento. I locked some strands of my hair on my ear and smiled at my reflection.

I'm wearing an apricot twisted ribbed off-shoulder dress. It was hugging my body perfectly. I bought this the other day when I looked for a gift for Eos. Tonight's his graduation day and I can't wait to see him with his toga on.

This is am important event for him so I need to look my best.

Bumaba na ako at agad kong nakita ang kapatid ko na nakahiga sa sofa habang may binabasang libro. She looked at me when she felt my presence.

"Where are you going, Ate?" She asked. "May date ka? You look gorgeous!"

Napangiti ako sa sinabi nito. Lumapit ako sa kanya. Siya naman ay umayos ng upo.

"Huwag kang magpupuyat." Paalala ko dito. Agad siyang ngumuso.

"Wala naman si Mommy at Daddy." She crossed her legs while looking at me. "Are you going home tonight or not?"

"I will. But don't wait for me." I kissed her forehead.

"Okay. Take care, Ate. Love you."

"I love you, too."

Nagbilin muna ako sa isang kasambahay bago tuluyang umalis. I hailed a cab papuntang university.

Hindi ko alam ang balak ni Tita Ellaine pagkatapos ng graduation ni Eos kaya hindi ko alam ang mangyayari. I'm also not sure kung anong oras ako makakauwi. Wala naman si Mommy at Daddy dahil nasa business trip sila kaya hindi ko na kailangan pang alalahanin na baka mapagalitan na naman ako sa lagi kong pag-alis at pag-uwi ng late nitong nakaraan.

Nang makarating ako sa university ay agad akong dumiretso sa gym kung saan gaganapin ang graduation. Maliwanag ang buong paligid at maraming tao sa labas. Most of them are taking pictures with their families and friends.

"Ate!" Nagulat ako nang may yumakap sa akin galing sa likod. I saw Yuri grinning wide at me. Sa likod nito ay si Tita Ellaine.

"Hi, Yuri." I greeted her. Pinulupot niya sa aking braso ang kanyang kamay. "Good evening po, Tita." Bati ko naman sa mama niya.

"Good evening, hija." She kissed me on the cheeks. Pinasadahan ako nito ng tingin. "You look lovely."

"Thank you po." Nahihiyang sagot ko habang may hinahanap sa likod nito.

"Where's Eos? Have you seen him?" Tanong nito habang lumilinga linga.

Napakunot ang noo ko habang umiiling. Akala ko nga ay kaya hindi pa nila ito kasama ay baka naghanap pa ito ng parking space...

"I just arrived, too, Tita."

"Hindi kasi sa bahay nanggaling si Kuya kaya hindi namin kasabay." Malungkot na kwento ni Yuri. "Nandoon kasi si Papà..."

Hinaplos ko ang kamay ni Yuri. Iginiya ko na sila sa loob ng gym para makaupo na. Una kong hinanap ang reserved seat para kay Tita Ellaine at Yuri. Habang naglalakad ay may iilang mga estudyante ang napapatingin sa amin, lalo na sa dalawa kong kasama.

"I'll go and look for your kuya." Paalam ko kay Yuri nang makaupo na sila. Hindi ko na inabala pa si Tita Ellaine na kausap ang kanyang katabi. Maybe she's a parent, too.

Lumabas akong muli para hanapin si Eos. I saw his friends outside taking pictures together but he's not with them. Nilapitan ko ang mga ito.

"Warren." Pukaw ko sa atensiyon ng isa niyang kaibigan. He's the closest to Eos. Nang makita naman ako nito ay agad itong ngumiti sa akin. He walked towards me.

Make Me Yours (Lost Star)Where stories live. Discover now