[1]BLAKE'S DAY

791K 13.2K 3.1K
                                    

                                                                                     ****

New Jersey, United States.

Kasama ni Blake Monteverde sa condo unit ang kaisa-isa niyang bisita. Magkaharap na nakaupo sa bilog na mesa. Pinagsasaluhan ang masasarap na pagkain gaya ng steak, salad, pasta. Mayroon ding wine at maliit na cake na may kandila sa gitna. Katabi ng mesa ang salaming dingding kun saan natatanaw ang mailaw na tanawin ng lungsod. Binuksan ni Blake ang bote ng wine at sinalinan ang kaharap.

"Salamat sa pagpunta or else baka mag-isa lang ako ngayon. Also, thank you for cooking this wonderful dinner," ngiti niya sabay salin din ng wine sa sariling baso.

"No problem. I'm glad to join you on your special day."

"Cheers."

"Cheers."

"Happy 21st birthday Blake!"

"Thank you... Debbie."

Sabay inom ng dalawa sa kani-kanilang wine glass.

"What happened to the other guys? Are they still coming or what?" masiglang tanong ni Blake pagkapalag sa baso.

"I don't know. Marlon said he'll finish first his report paper dahil bukas na daw ang deadline. Si Jason nag-text that he'll be coming pa from New York. Susubukan niya daw humabol."

Umiling si Blake. "Those guys are good liars. Siguro nasa gimikan lang ang mga yun. I already told them a week ago that I'm planning to have simple celebration. Kung talagang may balak silang pumunta inayos na nila yung mga schedules nila. Look at you, you made it eventhough you have an exam tomorrow, " tawa niya sabay subo.

"Yeah you're right. Namomroblema tuloy ako kung papaano natin uubusin ang mga niluto ko," napapabuntong-hiningang sabi ni Debbie habang nakatingin sa mga pagkain.

Magkaklase sila sa Princeton University. Si Debbie ay isang Oil and Petroleum Chemist na pinadala ng Golden Pacific Oil sa Amerika para mag-aral din ng management kasama ni Blake. Naging malapit na kaibigan siya ni Blake kasama ng iba pang mga Pilipinong estudyante. May pagkaboyish ang taste nito sa maraming bagay maliban sa pananamit na hindi matatawaran ang pagkafashionista. Palaban kahit saan ngunit magaling makisama. Maganda rin kung kaya't marami ring pomoporma na mga kapwa estudyante pero gaya ni Blake, seryoso ito sa pag-aaral. Ang tanging hangad ay matapos ang obligasyon sa kumpanyang nagpapaaral sa kanya.

"Alam mo buti na lang may kasabay ako sa pag-aaral na gaya mo kundi baka nabaliw na ako sa lungkot dito sa Amerika. Thank you for being a nice friend to me. Hindi ka nang-iiwan sa ere gaya ng iba dyan," tatawa-tawang wika ni Blake.

Ngumiwi si Debbie. "Siyempre dahil pagdating natin sa Pilipinas, siguradong magiging amo kita kaya ngayon pa lang ay sumisipsip na ako," pabirong wika niya. "By the way, nakausap mo na ba ang girlfriend mo? Binati ka na ba?"

Ngumiti ng matamlay si Blake. "Hindi pa nga eh. Kahapon ko pa siya hindi makontak. I'm worrying to death, maybe she's into dangerous thing again these days."

"You're overthinking, baka naman sobrang busy lang."

"Kaya nga ako nag-aalala dahil sa pagiging busy niya. For her to forget my birthday, it only means one thing. She's maybe back doing some crazy actions and risking her life again.Tsss... mababaliw ako pag iniisip ko pa lang, " diretsong inom ubos niya sa wine sa baso.

"I hope you don't mind. I know we don't usually talk about our personal matters but I suddenly got curious about her job. Ano bang trabaho niya para masabi mong nasa panganib siya?"

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon