[39] She Wants It Back

468K 8.9K 1.8K
                                    

                    

                                                                 *****

  

Hinahalungkat ni Alex ang bawat makitang drawer habang naliligo si Blake. Simula nang bumalik siya sa kanilang kuwarto hindi niya na muling nakita ang itim na kahong kinalalagyan ng singsing sa dating pinagpatungan nito. Kalabisan man pero masama bang umasang ibabalik ito sa kanya ng katipan? Simula nang mawala ito sa kinalalagyan, inisip niya na siguro'y ibibigay na ulit ito sa kanya. Walang araw na hindi niya inabangang isuot ulit ito sa daliri niya ng nobyo subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nangyayari.

Itinapon na ba ito ni Blake dahil sa sama ng loob? Hindi pwede. Ang singsing na yun ang kaisa-isang alahas na ni minsan ay hindi niya hinubad sa loob ng mahigit dalawang taon. Ito din ang isa sa mga nakakapag-paalala sa kanya na may dahilan para maging masaya siya kahit sirang-sira na ang kanyang araw. Walang ibang singsing na pwedeng pumalit dito.

"May hinahanap ka ba?"

Napaigtad siya at pagkuway mabilis na isinara ang hinahalukay na tokador matapos marinig ang boses ni Blake. Kalalabas lang nito sa banyo. Nakatapis lamang ito ng tuwalya at nagpupunas pa ng basang buhok.

"Naalala kong may naiwan pala akong hikaw dito dati...Hinahanap ko. Y-Yun kasi sa tingin ko ang bagay dito sa suot ko," palusot niya.

Naghahanda sila para sa pupuntahang family dinner na plinano ni Don Henry. Nag-arkila pa ang matanda ng mamahaling restaurant sa isang five star hotel na para kay Alex ay sana'y sa isang simpleng disenteng restaurant na lamang. Wala rin kasing katiyakan kung kumpletong makakapunta ang kanyang pamilya. Bagama't nangako si Dennis na mapapapunta ang ina pero hindi pa rin siya lubusang nagtitiwala sa kakayahan ng kapatid na makumbinsi ang kanilang nanay.

"Ah ang damit mo nga pala!" bulalas niya pagkatapos maalalang hindi niya pa nga pala nailalabas ang susuoting damit ng lalaki.

Samantala lihim na napangiti si Blake pagkakita sa ayos ng babae. Nakapusod ng mataas ang mahaba nitong buhok. Nakabihis ito ng itim na coat na may makintab na puting panloob na blouse, miniskirt at sapatos na may matataas na takong. Nag-abala rin itong mag-makeup ng maayos. Natutuwa siyang makita ulit itong nagbihis ng babaeng-babaeng damit pagkalipas ng mahaba-haba ring panahon.

Inilabas ni Alex mula sa closet ang navy blue na long sleeve, brown na pantalon, panyo, medyas, at ilan pang mga abubot niya sa katawan. Tinulungan siya ng girlfriend sa pagbibihis at habang binubutones nito ang pantaas niya, napansin niyang panay buntong-hininga nito.

"You look tensed," puna niya.

Ngumiti nang pilit ang babae. "Kinakabahan kasi ako na baka hindi pumunta sina Mama. Nakakahiya sa lolo mo." Ang totoo'y gustong-gusto ng ibuka ni Alex ang bibig at itanong sa lalaki kung saan nito dinala ang singsing.

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon