[17] PARTIALLY DEVOTED TO YOU

413K 6.9K 664
                                    


Sa loob ng sinehan, tila payapang nakasandal si Alex sa balikat ni Blake. Nakaakbay sa kanya ang nobyo at parehong tutok ang mga mata sa pelikula. Seryoso si Blake sa panonood samantalang siya ay nakatingin lamang sa telon subalit iba ang tinatakbo ng isipan habang panaka-nakang sumusubo ng popcorn. Maya't maya niyang nararamdaman ang pagvivibrate sa bulsa ng cellphon. Kanina pa siya inaabala ng taong inutusan niyang magmanman sa gusali nina Grace.

Nangako siya sa sariling dadagdagan ang oras para kay Blake. Sinarili ang namuong pagdududa tungkol kay Debbie at sa halip ay tinanggap ang katotohanang siya ang nagkulang. Kung kaya't nang mag-aya ng date ang nobyo, nag-assign muna siya ng ibang pansamantalang magmamanman para sa kaso. Wala pa rin siyang natatanggap na bagong impormasyon mula sa kinutsabang matandang janitress kung kaya't napagdesisyunan niyang muling pasubaybayan ang tagalinis.

Ayaw tumigil sa pagvivibrate ng kanyang cellphone. Minabuti niyang lumabas muna para sagutin ang tawag.

"Where are you going?" bulong ni Blake nang papatayo na siya.

"M-Magsi-cr lang..."

"Kanina ka pa pabalik-balik ng comfort room. Is there something wrong with your stomach?" mahinang bigkas nito.

"Wala naman. Napadami lang siguro ako ng inom ng tubig," ngiwi niya.

Huminto sa pagvibrate ang telepono niya ngunit itinuloy niya pa rin ang paglabas ng sinehan. Tinawagan niya agad ang maya't mayang nangungulit na kasamahan.

"Ano SPO1 Balatbat nahuli mo ba ang suspect dahil parang wala ng bukas kung makabulabog ka?!" bungad niya sa kausap.

"Eh kasi, Kapitan Valdemor hindi pala nakaduty ngayon yung janitress na pinababantayan mo. Pwede na ba akong umuwi?"

Tumingin siya sa relos. "Anong oras na ba?" sarkastikong sabi niya.

"Alas nuwebe ho ng gabi?"

"Nagtanong ka ba kung panggabi siya?" timpi niya.

"Ah oo nga no! Hindi ko nga pala naitanong. Sandali lang ho kapitan andito pa ako sa may lobby, magtatanong ulit ako."

Napakamot siya sa ulo.

"Hello Kapitan!"

"O ano daw?"

"Papasok nga daw ho mamayang alas-onse pa ang schedule niya hanggang umaga."

Bumuntong-hininga siya at napakagat sa kanyang labi dahil sa panggigigil sa tauhan. "SPO Balatbat sa palagay mo ba papupuntahin kita diyan kung alam kong wala diyan ang taong mamanmanan mo!"

"P-Pasensiya na Kapitan. Akala ko kasi pwede na akong umuwi may importanteng handaan kasi sa bahay ngayon kaya nagbabakasakali lang."

"Hoy Balatbat! Wala akong pakialam kung may party man kahit ang buong barangay ninyo. Pag sinabi kong magbantay ka diyan, magbantay ka! At pag sinabi kong huwag mo akong istorbohin, huwag mo akong istobohin! PERO ANO TONG GINAGAWA MO, MALOLOWBAT NA TONG CELLPHONE KO NG DAHIL LAMANG SA KATATAWAG MO NG MGA WALANG KUWENTANG BAGAY!!!"

"S-Sorry po Kapitan. Monthsary din kasi namin ngayon ng girlfriend ko kaya baka naman pwedeng bukas na lang ako magmanman."

"Sige bukas ka na magbantay pero dun ka magbabantay sa ward ng mga preso sa Munti dahil bukas na bukas din ipapalipat kita! Kabago-bago mo lang reklamador ka na ha!"

"Kapitan naman di na mabiro. Sige ho dito lang ho ako, gusto niyo tukuran ko pa ng toothpick ang mga mata ko para makasiguradong walang makakalusot sa akin."

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon